Chapter 13

3.2K 86 0
                                        

This is the updated version of Chapter 13. However, I'll update it once more if I encounter any problem or issues. Thank you for your understanding!


Updated: January 06, 2022


Tristan Keith's POV


Sisipol-sipol akong naglakad sa hospital na pinagtatrabahuhan ni Rakki the great. Aba dapat gwapo ako bago pumunta dito dahil ang mga nurse at ang ibang doctor ay talaga namang hahangaan mo. Minsan tuloy naiisip ko na sana pala itinuloy ko nalang ang pagdodoctor ko kaya lang mas mahal ko talaga ang law. Ayos na 'yun. At least pareho kaming maangas ni Rakki hehe.


Wala talaga akong oras para pumunta dito dahil tinambakan ako ng gawain ni Uncle. Parang hindi niya ako mahal. Halos hindi na nga ako natutulog sa mga sinisend niya sa email ko. Hindi ko rin naman matanggihan dahil dagdag din 'yun sa pera ko.


"Hoy, Tristan!" Sigaw sakin ni Zelle na agad kong ikinalingon. Isa pa 'tong nurse na 'to, eh. Maganda at mukhang mabait. Tsaka pansin kong may tiwala sa kaniya si Rakki. Kaya lang inaway ako ni Rakki at sinabing wag daw ang mga nurse na ito. Hindi ko alam kung wala lang talaga siyang tiwala sakin o baka naman naisip niya na masyado akong gwapo para sa mga 'to. Hays.


"Hey, kamusta?" Nakangiti kong bati at lumapit sa kanila. Napatingin pa ako kay Cade na ngumisi lang sakin. "Lunch niyo na?"


"Oo. Nasan pala si Doc Rakki?" Napatigil ako sa pagkalikot sa cellphone ko nang itanong niya sakin 'yun. Napamaang pa ako at inilibot ang paningin ko sa paligid.


"Wala ba dito?" Hindi ko alam na wala dito si Rakki dahil hindi naman siya nagmessage sakin. Linggo nga ngayon pero alam ko papasok siya dahil birthday nung isa niyang pasyente. Hala. Kasalanan 'to ni Uncle. Kung hindi niya ako tinambakan ng gagawin ay hindi ko makakalimutan si Rakki.


"Hindi mo alam na naghalf day siya?" Takang tanong ni Nurse Cha na nag-aayos ng mga papel doon sa tabi.


"Magulo ang utak nun, Nurse Cha. Kapag sinabi niyang hindi siya papasok mamaya, makikita mo na 'yun dito sa hallway at nagvivisit ng mga pasyente. Matigas din ang ulo nun. Walang desisyon sa buhay, ganon." Natawa ako nang maisip na kapag nalaman ni Rakki ang mga sinabi ko ay sigurado akong malalagot ako doon dahil wala ni isa sa sinabi ko ay totoo. Wala naman sigurong magsasabi kay Rakki sa mga sinabi ko.


"Sayang naman ang ipinunta mo dito. Hindi pa pumapasok si Doc Rakki." Sabi ni Shane sakin kaya kinuha ko na ang phone ko. Tatawagan ko na nga lang si Rakki para malaman ko kung saan siya pumunta ngayon. Wala naman kasi siya sa apartment niya.


Habang hinihintay ko na sagutin niya ang telepono ay tumigil ang isang doctor sa harapan ko na sa tingin ko ay pamilyar sakin. Siya ata 'yung apo ni Chairman.


"Good morning po, Doc Zayden."


"Good morning po."


"Doc, Good morning po."


"Is there a problem?" Tanong niya kila Zelle pero sa akin siya nakatingin. Bahagya niya pang ibinaba ang medical chart na dala niya at kunot-noo akong tiningnan. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mainis sa kaniya sa hindi ko malaman na dahilan. Para kasing may galit din siya sakin. Edi, magagalit na rin ako para fair.


When Fighters Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon