Chapter 45

2.2K 89 0
                                    

This is the updated version of Chapter 45. However, I'll update it once more if I encounter any problem or issues. Thank you for your understanding!


Updated: January 20, 2022


Ayesha Rakki's POV


Pagkatapos namin mamili ng sangkap para sa tinola ay dumiretso na kami sa apartment ko. Natatawa pa ako nang makita kung paano siya maghiwa ng sayote. Ang cute niya!


"Wag mo kong tawanan." Saway niya agad sa akin nang mapansin na tumatawa ako habang kumakain kami. Natatawa ako sa sayote na nasa tinola. Parang pang menudo, pfft. "Come on, babe. Don't laugh."


"Okay. Anyway, narinig ni Shane na may kausap ka sa cellphone mo kanina. Tss. Kawawa naman ang mga 'yun gustong-gusto ka pa naman." Natatawa kong sabi na bahagya niyang ikinangiti. Minsan mapapatitig ka nalang sa kaniya kapag ngumingiti siya ng ganiyan. Kasi bukod sa bihira lang mangyari 'yun, eh masarap talaga titigan.


"Hindi ko inakala na may nagkakagusto pala sa akin doon." Kibit-balikat niyang sabi na ikinagulat ko. Inis pa akong nag-angat ng tingin sa sinagot niyang 'yun.


"Eh, kung batuhin kaya kita ng kutsara diyan? Anong hindi alam? Kalahati ata ng populasyon ng nurse doon ay may gusto sayo. Isama mo pa ang mga doctor sa ibang department." Reklamo ko na ikinatawa niya. Buang ata 'to, eh. Halos siya nga ang usapan palagi sa hospital. Kahit sa operating room ay naririnig ko ang pangalan niya. Kahit nga sa entrance ng hospital ay Doc Zayden ang naririnig ko kahit paminsan-minsan ay may Doc Noah. Sino ba naman kasi ang hindi magkakagusto sa kaniya? Gwapo siya, matalino, magaling, malapit sa mga bata at apo pa ng may-ari ng hospital na 'yun. Psh!


"What? I really don't know, babe. Trust me. I only focus on my patients and in my books. I didn't bother to know what is happening around me."


"Sus."


"And then you came, and aside from my patients and my books..... you also caught my attention. I became busy staring and thinking of you. So, why would I bother my self to something that doesn't interest me, right?" Kibit-balikat niyang sabi kaya agad ko siyang pinanliitan ng mata. "I'm telling the truth! Believe me." Pagtatanggol niya sa sarili niya at nagpatuloy na sa pagkain.


Nang matapos siya kumain ay sandali pa siyang nanatili sa apartment ko para magbasa ng libro bago umalis dahil may pasok pa kami kinabukasan. Gusto kong matawa dahil hindi siya pumapayag na magsimulang magbasa hangga't hindi ako tumatabi sa tabi niya. Hindi ako makapaniwala kay Zayden. Ang dami kong nalalaman sa kaniya.


Naglinis na ako ng katawan ko bago humiga sa kama. Napangiti pa ako sa kawalan nang ma-realize na napakasaya ng araw ko. Walang gulo. Parang natural na araw lang. Parang normal na tao lang. Ang tagal ko ring hindi naranasan 'to.


Napangisi ako nang makita ko si Doc Zayden na hinihintay ako sa ibaba ng apartment ko kinabusakan. Sabay kaming nagbreakfast at sabay din kaming papasok. Tss. Gusto niya daw gawin 'yun kaya pumayag na ako. Pabor din naman sa akin dahil gusto ko siya makasama.


Habang papunta kami sa hospital ay napatingin ako sa cellphone ko nang makitang tumatawag si Daddy Archie kaya agad ko itong sinagot. Nagmessage lang kasi siya sa akin ng ilang paalala at pagtatanong kung kamusta na ako. Bukod doon ay wala ng iba.


[Hey, Daddy.] Panimula ko na bahagyang ikinalingon ni Zayden. Ipinakita ko sa kaniya ang caller ID sa cellphone ko na ikinangiti niya.


[Do you have an available time for your Dad today or should I request for a meeting?] Pagbibiro niya na ikinatawa ko. [Can we eat lunch together? I know a place.]


When Fighters Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon