This is the updated version of Chapter 55. However, I'll update it once more if I encounter any problem or issues. Thank you for your understanding!
Updated: January 24, 2022
Ayesha Rakki's POV
"Yung gummy bears ko, ha." Paalala ko kay Tristan kinabukasan habang nakatingin sa kaniya ng masama. Bahagya naman siyang natawa at uminom sa kape niya.
"Oo na nga. Tss. Si Uncle na daw ang magbabayad. Ayokong tawagin siya ng Dad kasi nakakadiri. Pfft. Pero nagpapasalamat talaga ko at kay Tita Neza ko nakuha ang kagwapuhan ko. Ang ganda naman kasi nun. Hays, thank you Tita!" Gusto kong humalakhak doon sa sinabi niya. Gwapo naman si Uncle Sean, maarte lang talaga 'to si Tristan.
Sabay pa kaming napalingon ni Tristan sa pintuan nang pumasok si Uncle kasunod si Faudia na ngumiti pa sa akin samantalang tinaasan niya naman ng kilay si Tristan na ngisian lang siya.
"Aba! Lalo kang gumaganda Faudia, ah. Ganiyan ba kapag nagconfess sa television 'yung artistang nagkakagusto sayo?" Pang-aasar ni Tristan dito. Yeah. Someone confessed to her last month ata. Since sikat na sikat 'yung guy, nakilala tuloy lalo si Faudia pero I doubt that na papayag siya.
"Tss. Ganon talaga kapag hindi ka nakikita. Palaging maganda ang araw ko nung nawala ka. Nawala 'yung pasaway sa buhay ko." Sabi nito at umupo pa sa tabi ko.
"Eh, kamusta nga 'yung artista?" Pangungulit talaga ni Tristan sa kaniya. Napairap pa muna si Faudia bago tiningnan si Tristan.
"Hindi ko type."
"Sus. Ano ba kasi ang type mo? Bahala ka. Tatanda kang dalaga diyan." Nakangisi lang kami ni Uncle Sean na nakikinig sa kanila hanggang sa tumingin na sa akin si Faudia. Hindi na sinagot ang tanong ni Tristan.
"Queen, pwede ba akong sumama sa hospital ninyo? Gusto kong maglibot. Wala akong magawa." Natural na sabi niya sa akin na agad pinigilan ni Tristan. Kahit ako ay nagulat doon pero hayaan na.
"Hoy, bakit? Wag na! Wag ka sumama kay Rakki!"
"At bakit?" Naguguluhan na tanong ko. Wala namang masama sa hospital. Isa pa, baka magustuhan nito ang pagdodoctor. Tss.
"Wag na. Wala ka namang gagawin doon. Sumama ka nalang sa akin. Turuan mo ko pumana. Hindi mo ba ako namimiss i-date?" Tanong ni Tristan na ikinairap ni Faudia. Eto na naman nga sila.
"Tuturuan kita pero samahan mo muna akong pumunta sa hospital kasi nacucurious ako doon. Ano, deal?" Tanong ni Faudia na agad tinanguan ni Tristan. Pumayag din naman agad ang isang 'to. Tss. Hindi ko na talaga sila maintindihan.
"Mauna na ako. Pupunta ako kila Archie. May business kaming pag-uusapan. Message niyo nalang ako kapag nagka-problema." Paalam sa amin ni Uncle na ikinalingon naming tatlo. For sure, kinausap niya si Faudia kanina nung galing sila sa labas. Tss. Si Uncle talaga walang pinapalagpas na info 'to, eh.
"Woy, Uncle! Yung pera ko, ha! Dagdagan mo na rin. Anak mo naman ako kaya dapat mas marami na." Nakangising sabi ni Tristan na inilingan nalang ni Uncle at lumabas na. Ano siya ngayon? Pfft. Si Tristan pa anak niya, ha! Kawawa naman si Uncle. Mukha kasing gagamitin na palagi ni Tristan 'yung word na 'yun every time na may hihingiin siya kay Uncle.
"Tss. Walang pinagbago, Tristan Keith. Hanggang ngayon ba naman ay wala kang ibang gagawin kundi ang ubusin ang yaman ng tatay mo? Anong age mo na." Masungit na sabi ni Faudia kay Tristan bago kinuha ang phone niya sa bulsa.
![](https://img.wattpad.com/cover/212956599-288-k387428.jpg)
BINABASA MO ANG
When Fighters Fall In Love
ActionBecause of what happened years ago, Ayesha Rakki wanted to return to the Philippines for a revenge. But she must be a doctor in order to do so while searching for those people. And while doing so, she will meet a man named Zayden Sebastian Farrell...