Chapter 8

3.5K 98 1
                                        

Ayesha Rakki's POV


Nakangisi ako habang nagsusuot ng sapatos ko dahil papasok na ulit ako sa hospital.


Naging maayos ang nangyari kahapon. Kahit nakakapang-init ng ulo yung pagtawa ni Tristan nung ikinwento ko sa kaniya ang nangyari, lamang pa rin ang tagumpay dahil pagkatapos kong gawin yun kay Knight ay nakatanggap ako ng message mula kay Faudia at sinabi niyang cancelled na raw yung business.


"What's with the smile, Rakki? Effrayante." [Translation: Creepy.]


Tanong ng kakagising lang na si Tristan at dumiretso agad sa kusina para uminom ng tubig.


"Uh don't tell me—yun pa rin?"


"Why? At least tapos na."


"Yeah and sobrang takot ang ibinigay mo doon sa tao. And by the way, kaibigan pala ni Zayden yung Knight—a very close friend." Seryoso niyang sabi na bahagya kong ikinagulat.


Kaya siguro nakita ko si Zayden kahapon doon dahil sinamahan niya ang kaibigan niya. Nakakapagtaka lang at wala siya nung pinuntahan ko si Knight sa room niya.


"Papasok ka na ba sa hospital?"


"Yeah. Mauna na ako. Message me if you need me."


Sinalubong ako ni Mang June sa harapan ng villa at bahagya pang tumango sakin. Hanggang ngayon nga ay nagpapasalamat pa siya sakin. Wala namang kaso sakin yun. As long as nakakatulong ako, wala namang problema. Si Lay, on the other hand, katulong ni Tristan sa mga CCTV.


Nalaman ko nalang na siya pala ang humawak ng mga videos sa mga nangyari kahapon. He's great.


Operation pa nga agad ang bumungad sakin pagdating ko sa Stonefield kaya halos lunch na nang lumabas ako doon para naman maground.


Kadalasan kasama ko sila Zelle kaya medyo nakakatawa ako dahil hindi matigil sa kakulitan si Dale. Laking pasasalamat ko talaga sa kanila dahil kahit papaano ay nakakahinga ako.


Sa totoo nga lang, mas komportable ako sa kanila compare sa ibang doctor na palagi kong nakakasama. Mostly kasi magkakasama ang mga pediatric doctors. I don't mind but it makes me uneasy sometimes.


"Doc Rakki, sabay ka na sa amin ngayong lunch. Late na rin eh." Yaya sakin ni Cade kaya lumapit agad ako sa table nila after ko makakuha ng pagkain. Dala ko rin ang tumbler ko para hindi na ako bumili ng tubig.


"Hi, Doc Rakki."


"Kamusta pala ang off mo, Doc? Nakapagpahinga ka naman ng maayos?" Hindi man lang ako hinayaan ni Shane magsalita. Pfft.


"I spent the entire day resting." Hindi ko naman pwede sabihin sa kanila ang totoo. "How about you guys?"


"Ano pa nga ba? Kailangan namin asikasuhin ang pagpapadala sa mga pamilya namin." Sagot ni Nurse Cha sakin kaya sa kaniya napunta ang atensyon ko.


"May anak ka Nurse Cha?" Hindi ko naman kasi alam at lalong hindi naman halata. Minsan ko lang rin makausap sa mga personal na bagay si Nurse Cha kaya hindi ko talaga alam.


"Opo, Doc. Dalawa po sila, parehong babae. Kasama nila ang tatay nila sa probinsya. Nagpapadala nalang ako buwan-buwan para mabuhay sila doon kahit mahirap po minsan talaga."


I really admire those who sacrifice everything for their family—the ones who endure loneliness in unfamiliar places, far from comfort and belonging. They carry the weight of distance and isolation without complaint, driven by a single purpose which is to provide, to give, to love.


When Fighters Fall In LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon