This is the updated version of Chapter 6. However, I'll update it once more if I encounter any problem or issues. Thank you for your understanding!
Updated: January 05, 2022
Ayesha Rakki's POV
Maaga akong nagising para dumaan sa isang convenience store kinabukasan. Kailangan ko pang bilhan ng chocolate si Kyla dahil 'yun 'yung promise ko sa kaniya. Nakapag-ayos na rin ako sa apartment ko. Nilagay ko na doon ang ibang libro at damit. Pagpasok ko kasi ay nandun na ang ibang maleta ko. Hindi na dapat ako magulat dahil malamang, kagagawan ni Uncle 'yun.
Isang plastic ang bitbit ko matapos dumaan sa isang convenience store. Dala ko na rin ang sasakyan ko ngayon. Dinala ata ni Tristan sa akin kanina or ng body guard na nakabantay sa labas ng apartment ko. Mabuti nalang at umalis na agad sila nang maibigay ang susi sa akin.
[Hello?] sagot ko sa telepono nang makitang tumatawag si Trisha.
[Miss Rakki.]
[Start.] Mas binilisan ko pa ang pagpapaandar sa sasakyan ko dahil mukhang panibagong problema na naman ang ibibigay sakin ng tawag na 'to ni Trisha.
[We had a problem yesterday. As expected, the directors did some things just like what they did last year. They seem to be confident because you are not here.]
[What?] Sinusubukan talaga ako ng mga taong 'yun.
[But don't worry, the chairman already fixed it. He talked to the directors and said that if you knew, you would surely kill them. They are afraid now, Miss Rakki.]
[Really? Mabuti naman.] Napapailing kong sabi sa kaniya. Natutuwa sa ganon si Uncle Sean. Palibhasa takot sakin ang mga taong 'yun, eh.
[Yes and another thing is, I transferred money to Sir Tristan's bank account because he called me yesterday. Sinabi niyo raw po sa kaniya 'yun.] napamaang ako sa narinig ko. Kulang ba ang pera sa card ko at nagpatransfer pa siya? Oh, god. Sumasakit ang ulo ko kay Tristan.
[Alright. Keep me updated.]
[Sure, Miss.] Sagot nito at ibinaba na ang linya. Agad ko namang tinawagan si Tristan dahil hindi ako natutuwa sa nalaman ko. Ano ba ang mga binibili niya at nauubos ang pera ko? Isa pa, mas marami siyang pera sakin dahil 'yung buong kompanya sa Paris ay kaniya. Sa pangalan niya inilagay ni Uncle lahat ng perang pumapasok doon. Isama mo pa ang iba't-ibang ari-arian ni Uncle. Hindi lang talaga halata pero mayaman si Tristan.
[Hmm? Who's this?] Mas lalo akong sumimangot dahil halatang nakahiga pa siya at hindi man lang tiningnan kung sino ang tumatawag.
[Great. Kumuha ka ng pera sakin?] narinig ko kaagad ang pagtawa niya sa sinabi ko. Nakilala agad ako.
[Why? Hindi ba pwede? Sobrang yaman mo na, Rakki. 'Yun ang role ko sa buhay mo, diba? Ang gastusin ang pera mo.]
[Tristan, you have the damn money to buy your things. Mas mayaman ka sakin baka nakakalimutan mo.]
[Ay, oo nga pala, noh?] Oh, god. [Joke lang. Psh! Babayaran kita. Wala kasi akong pera pambili ng mga monitor ko kasi ayaw na buksan ni Uncle 'yung mga card ko. Nakakahiya, Rakki! Pero since pinabantayan mo naman sakin 'yung apartment mo, ayos lang 'yan.]
[Anong sabi mo? Sinarado ni Uncle ang mga cards mo? Why?]
[Aba, ewan ko. Alam mo naman 'yun si Uncle. Palagi akong trip. Tss. Oo nga pala, nadelete ko na 'yung pinadelete mo. Buti hindi mo pinatay yung lalaki.]
BINABASA MO ANG
When Fighters Fall In Love
ActionBecause of what happened years ago, Ayesha Rakki wanted to return to the Philippines for a revenge. But she must be a doctor in order to do so while searching for those people. And while doing so, she will meet a man named Zayden Sebastian Farrell...