Chapter 11

3K 89 0
                                    

This is the updated version of Chapter 11. However, I'll update it once more if I encounter any problem or issues. Thank you for your understanding!


Updated: January 06, 2022


Ayesha Rakki's POV


Dalawang linggo pa ang lumipas kaya apat na linggo na ako sa hospital na 'to at naiinis ako sa katotohanang ang tagal tagal ko na dito sa Pilipinas pero hanggang ngayon hindi ko pa rin nahahanap ang mga pumatay sa Lola ko. Gusto kong magalit dahil parang ang hina-hina ko at ng organisasyon na binuo ko dahil hanggang ngayon ay wala akong nakikitang tao na kailangan kong paghigantihan.


"Rakki! Kain na kasi tayo." Napabuntong hininga ako at lumingon kay Tristan na nag-iinarte sa harapan ko. Nandito kasi siya ngayon sa office ko sa hindi ko malaman na dahilan. Bigla-bigla din kasi sumusulpot 'tong taong 'to. Hindi ko alam kung bakit hinahayaan siyang pumasok ng guard dito.


"Hindi nga pwede. May ivivisit pa akong patient mamaya." Madiin na sabi ko sa kaniya. Naalala ko na naman kasi si Enzo. Gumising siya matapos ang isang linggo pero hindi naman makausap. Ayaw niya din ng bisita kaya hindi ko pa siya nakakausap ngayon. Isang linggo akong naghintay kaya pupuntahan ko na siya mamaya.


"Saglit lang naman. Nagugutom na kasi ako. Isa pa, hindi ka naman mapapagalitan. Nakausap ko kanina si Chairman Farrell, kung ano-ano ang sinabi tungkol sayo. Sabi niya, marami daw mga tao ang humahanga sa hospital niya ngayon dahil sayo. Kaya, tara na. May special treatment naman sayo, eh. Ang damot mo!" Nakasimangot talaga siya na parang bata sa harapan ko. Minsan gusto ko nalang ibulsa ang isang 'to, eh.


"Bilisan lang natin, ah. May operation ako ng 1pm."


"Oo, hehe. Tara na." Maaga pa naman kaya ayos lang. 11am palang kaya mahaba pa ang oras kong kumain. Pinaglunch na rin kasi ako kanina pero tumanggi ako. Okay na 'yung ngayon.


Agad na tiningnan si Tristan ng mga tao sa hospital nang lumabas kami ng opisina ko. Gwapong-gwapo na naman kasi niya sa suot niya ngayon. Nakaripped jeans siyang itim at white na damit. Tapos nakasapatos na itim. May sumbrelo pang suot. Gwapo talaga.


"Masaya pala tumambay dito palagi, noh?" Tanong niya habang nakapila kami dito sa cafeteria. Dito niya kasi gusto kumain. Akala ko ay sa labas pero dito siya dumiretso. Nakakainis talaga minsan si Tristan.


"Ano bang sinasabi mo?" Tanong ko at kinuha ang order ko.


"Madami kasing magagandang nurse. Nung unang punta ko naman kasi ay pinapauwi mo agad ako kaya ngayon ko lang nakita ng maayos. Mukhang aaraw-arawin ko na dito, ah. Okay lang ba 'yun, Rakki?" Tanong niya nang makaupo na kami sa isang available na table.


"Hindi pwede. Lalo na ngayon."


"Huh? Bakit?" Siya naman ngayon ang napakunot ang noo. Napahigpit ang hawak ko sa kutsara ko habang nakatingin sa kaniya.


"Hanggang ngayon wala pa rin akong napapala, Tristan. Kahit isang hakbang wala pa akong nakikilos para mahanap ang ipinunta ko sa bansang ito. Sa tingin mo ba natutuwa pa ako sa mga nangyayaring 'yun?" Seryoso kong sabi pero mahina lang para hindi marinig ng mga tao.


"R-rakki,"


"Seryoso ako, Tristan. Hindi ko alam kung nananadya bang hindi ipaalam sakin ang dapat kong malaman o kasalanan ko talaga dahil wala pa akong nagagawa para sa Lola ko. Ang tagal ko na sa bansang ito pero kahit katiting na impormasyon wala akong makuha."


When Fighters Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon