Chapter 34

2.4K 91 1
                                    

This is the updated version of Chapter 34. However, I'll update it once more if I encounter any problem or issues. Thank you for your understanding!


Updated: January 14, 2022


Ayesha Rakki's POV


"Hindi ka ba magpapahinga ngayon?" Tanong sa akin ni Uncle dahil kanina pa ako nandito sa hospital. Napatingin pa ako sa orasan at nakita kong 12pm na pala. Halos hindi na rin ako natulog dahil nag-round pa ako.


"Hindi na muna, Uncle. May dala naman akong damit tsaka.... nahihiya din ako kay chairman. Hinayaan niya akong umabsent ng isang araw." Sabi ko na ikinatango niya. Napakunot pa ang noo ko nang makita siya na umupo sa couch dito sa hospital. Kasalukuyan na kasing nagpapahinga si Tristan. Anong oras na rin kasi 'yan natulog dahil ayaw magpahuli sa mga kwento. Bangasan na nga napaka-chismoso pa.


"Eh, ikaw? Hindi ka din uuwi?" Kunot noong tanong ko nang makitang humiga pa siya doon at nagkumot.


"Bukas nalang ng umaga. May damit na rin ako dito, eh. Tsaka magbabantay ako ngayon. Alam mo naman si Tristan kapag may sakit, parang baby." Sabi niya na ikinataas ng labi ko. Nakakamangha naman si Uncle, pfft. Akala ko ba ay busy siya? Tss. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti.


Lumabas na ako ng private room ni Tristan para icheck ulit ang mga pasyente ko at kumain ng lunch. Gusto ko pa sanang magpahinga kaso napatingin na ako sa emergency room at nakita kong may dumating na mukhang naaksidente. Dala-dala ang sandwich ko ay agad akong tumakbo papalapit doon at tumulong. Hindi ko man lang naubos 'yung pagkain ko!


Ipinasok na 'yung isang bata sa operating room kaya inayos ko ang sarili ko dahil ako nalang ata ang available na doctor sa mga oras na 'yun dahil kaniya-kaniyang operation na rin sila Doc Noah. Halos nagtagal ako doon ng dalawang oras. Si Dale at Zelle din ang assistant nurse ko kasama si Nurse Cha.


Sandali ko pang binisita ang iba pang pasyente nang mapagpasyahan ko na bumaba muna sa cafeteria para bilhan ng pagkain si Uncle at Tristan dahil hapon na pero agad nag code blue ang isang kwarto kaya nagmadali na naman akong pumunta doon at muling nagspend ng oras sa loob ng operating room kaya nung lumabas ako, gabi na. May ginawa pa akong cases sa opisina ko kaya inumaga na ako nang hindi pa man lang kumakain. Naglinis lang din ako ng katawan ko pero wala pa akong ligo! Wala naman sigurong aamoy sa akin dito ngayong umaga kaya sige na, mamaya nalang ako maliligo.


Hawak-hawak ang batok ko ay pumila ako sa cafeteria para bumili ng tubig. Wala pa man lang din akong tulog. Ipapahinga ko lang ang sarili ko bago matutulog at maliligo. Kung pwede lang pagsabayin 'yung dalawa ay nagawa ko na dahil wala talaga akong oras sa kamay ko.


"Can you move ahead? You're wasting our time." Biglang sabi ni Doc Zayden na nasa likuran ko pala at nakapila. Napabuntong-hininga ako at umabante sa linya. Hindi ko naman kasi napansin na gumalaw na pala 'yung pila. Psh! Nakakahiya sa mga nakapila din sa likod ko. Pero nakakainis siya!


"Bottled water po." Sabi ko doon sa tindera at umalis na nang makuha 'yun. Anong ginagawa ni Doc Zayden nang ganito kaaga dito sa cafeteria? Mag-aalmusal? Tss.


Dumiretso na ako sa office ko para maligo. Gusto ko pang maawa sa sarili ko dahil kumakain talaga ako ng tinapay habang nagbibihis ako. Gutom na gutom ako. Psh! Dumiretso na rin ako sa kwarto ni Tristan nang matapos ako pero agad ring napatigil nang makita si chairman, Doc Zayden, Doc Meisha at sila Zelle sa kwarto ni Tristan. Mukhang dumaan muna sila bago mag-duty. Tuluyan na rin sana akong papasok sa loob nang tawagin ako ni Doc Noah kaya isinara ko ulit ang pintuan at lumapit sa kaniya.


When Fighters Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon