Chapter 51

2.1K 63 0
                                    

This is the updated version of Chapter 51. However, I'll update it once more if I encounter any problem or issues. Thank you for your understanding!


Updated: January 22, 2022


Ayesha Rakki's POV


Napatingin ako sa orasan ng kwarto ko at hinawakan ang librong dapat ay ibibigay ko kay Lola. Sana tama itong gagawin ko. Tutal wala namang naniniwala sa akin, ako nalang ang gagawa ng plano.


Agad kong kinuha ang telepono ko at tinawagan si Faudia. Sa mga oras na 'to ay siya lang ang makakatulong sa akin.


[Queen.]


[Nasan ka na?] Diretsong tanong ko sa kaniya habang inaayos ang sarili ko.


[Nandito na po ako sa Pilipinas. Sa public airplane po ako sumakay para hindi ma-recognize ni Uncle Sean na nandito na ako.]


[That's good to know. Uulitin ko Faudia, hindi ito makakarating kay Uncle. Dahil sa oras na makarating 'to kay Uncle, ako mismo ang papatay sayo.] Sabi ko sa kaniya. Nang malaman ko kasi na lahat ng inuutos ko kay Faudia ay nalalaman pala ni Uncle, agad na akong nag-ingat at kinausap ko rin tungkol doon si Faudia. Nangako siya sa akin na hindi na niya gagawin 'yun kaya naman, nang mabasa ko ang sulat na ibinigay sa akin na kailangan ko nang maghanda nung nakaraang araw ay agad kong tinawagan si Faudia para makauwi ng Pilipinas. At hindi naman ako nabigo dahil kagabi palang ay bumyahe na siya papunta dito.


[Naiintindihan ko po. Ano na po ang gagawin natin?] Tanong niya kaya lumapit ako sa pintuan ko at tiningnan kung may tao dito.


[Magkita tayo sa nearest cafe sa airport. Hihintayin mo ako.] Sabi ko at ibinaba na ang linya. Inayos ko na agad ang sarili ko. Kinuha ko ang ilang kunai ko at ang machine gun ko. Napangisi pa ako nang maisip na matagal-tagal ko na ring hindi nagagamit ang isang 'to kaya hindi ako sanay sa bigat niya. Mabuti nalang talaga at wala masyadong tao kaya makakaalis ako ng matiwasay.


Inilagay ko muna sa bag ang machine gun dahil sa laki nito ay hindi maganda tingnan kung bibitbitin ko. Baka magtakbuhan ang mga tao. Mamaya mapost pa ako sa internet at sabihin na kawatan ako. Tss.


Dahan-dahan akong lumabas ng hotel at sumakay sa sasakyan ko. Iniwan ko muna ang cellphone ko dahil alam kong hahanapin ako ni Tristan gamit 'yun. Mabuti nang alam nila na hindi ako umalis ng hotel. Babantayan ng dalawang 'yun ang kilos ko dahil alam nila ang ugali ko kapag galit ako. Hindi ako basta-bastang mananahimik nalang.


Naabutan ko si Faudia na bahagya pang yumuko sa akin nang makarating ako sa cafe na sinabi ko. Pinagtitinginan siya ng tao dahil sa itsura niya. Sobrang puti niya kasi medyo spanish pa ang mukha kaya maganda talaga. Actually, Faudia is a model. Yeah. Ewan ko ba dito at mas gustong sumunod sa akin kesa gumawa ng sarili niyang grupo.


"May pupuntahan tayo. Hindi natin papatayin ang taong 'to. Gusto ko lang siyang makausap muna at ako mismo ang papatay sa kaniya. Ikaw na ang bahala sa mga tauhan niya." Sabi ko at sumakay na ng sasakyan. Siya naman ay sumakay na doon sa shot gun seat. Ibinaba niya pa ang shades na suot niya at tinitigan ako gamit ang gray niyang mga mata. "You looked good, huh?"


"Seriously, Queen? I didn't even change my hair. Dapat ay naka-short hair ako but I don't have the time to do that." Turo niya sa nakapony tail niyang buhok. Kinuha niya pa ang baril sa bag niya at nilagyan ng suppressor. Ganon na rin ang baril ko.


(Facts: A silencer is for reducing the sound, while a suppressor is more for eliminating muzzle flash. A suppressor does reduce some of the sound though. - ignboard.com)


When Fighters Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon