This is the updated version of Chapter 1. However, I'll update it once more if I encounter any problem or issues. Thank you for your understanding!
Updated: January 03, 2022
Ayesha Rakki's POV
*bang!*
*bang!*
*bang!*
Tatlong magkakasunod na putok ng baril ang maririnig sa shooting range. Holding my guns, I checked my targets. Napangisi pa ako nang makitang saktong-sakto 'yun sa target ko.
*clap! clap!*
"Wala ka talagang kupas, Rakki! Minsan talaga gusto ko nalang pumalakpak habang-buhay kasi napakahusay mo talaga!" Pang-aasar ni Tristan na kanina pa ako pinapanood. I saw him earlier pero I'm too busy with my target so I didn't mind him. Sure din naman ako na manggugulo lang siya because he's wasted last night. This bastard. Wala ng pinagbago.
"Shut up, Tristan." Tinalikuran ko na siya at nagsimulang maglakad papalabas ng training room ng lugar na 'to. Tinanggal ko na 'rin ang suot kong safety glasses at inayos ang mahaba kong buhok. I need to look presentable all the time, for myself and for the people around me. Kahit ang headphone ko ay tinanggal ko na rin bago uminom sa tumbler na dala-dala ko.
"Where are you going? Pinapatawag ka ni uncle, hoy!" Habol niya na naman sakin nang makita niya akong dinampot ang bag na dala ko. Tumigil naman ako sa paglalakad at tumingin ng diretso sa kaniya na napamaang pa nang makita ang paraan ng pagtingin ko. "B-bakit ganiyan ka makatingin?"
Napabuntong-hininga ako dahil mukhang hindi niya alam kung anong meron ngayon dahil nga wasted siya kagabi. Mukhang lutang pa ang isang 'to ngayon. "May pupuntahan ako."
"Saan? Sa taong naging dahilan kung bakit ka nandito? That person is already dead, Rakki. You can't be like this every freaking time." Dahil sa sinabi niyang 'yun, bigla nalang uminit ang ulo ko. Okay na sana, eh. Maayos na sana. Pero bigla siyang may napitik sa utak ko kaya dala-dala ang baril na nasa bulsa ko, inilabas ko 'yun at itinutok sa noo niya na ikinatigil niya pa. Hindi inaasahan na gagawin ko 'to. "R-rakki..."
"I have limitations, Tristan. So, don't forget those." Seryosong sabi ko at ikinasa ang baril na hawak ko pero imbes na iputok 'yun sa kaniya, itinabingi ko ng konti ang baril ko at tumama 'yun sa target sa likuran niya. Ramdam ko ang gulat sa buong pagkatao niya dahil sa ginawa ko. "I told you, there are days that you can joke around but make sure to be careful especially today." Madiin na sabi ko at tinalikuran na siya.
Tahimik akong naglakad sa area namin. Hindi makatingin sa akin ang mga tao na myembro ng organisasyon na kinabibilangan ko. Walang naglalakas loob na harangan ako sa dinaraanan ko. Wala. Kahit sino. Sino nga ba naman ang gugustuhing harangan ako lalo na't alam din nila kung ano ang meron sa araw na 'to? Of course they are aware. Hindi naman na siguro nila hahayaan na mangyari ang nangyari a few years ago. Where I lost my self because of some people. They are already dead, by the way.
Agad akong sumakay sa sasakyan ko at mabilis itong pinaandar. Madilim ang paligid. Mukhang nagbabadya na naman ang ulan or baka kasi hapon lang talaga. Halos hindi ko na rin kasi namalayan ang oras kasi kaninang-kanina pa talaga ako dun sa area namin. Wala akong gana na makipag-usap sa mga oras na 'to.
Itinigil ko ang sasakyan ko sa tapat ng sementeryo. Bumati pa sakin ang guard at inabutan ako ng payong pero umiling lang ako. Parang gusto ko rin kasing magpaulan ngayon. Maybe, the sky also knows my pain. They are here so I can share them what I feel.
BINABASA MO ANG
When Fighters Fall In Love
AçãoBecause of what happened years ago, Ayesha Rakki wanted to return to the Philippines for a revenge. But she must be a doctor in order to do so while searching for those people. And while doing so, she will meet a man named Zayden Sebastian Farrell...