Epilogue

3.8K 124 26
                                    

This is the updated version of Epilogue. However, I'll update it once more if I encounter any problem or issues. Thank you for your understanding!


Updated: January 25, 2022


8 YEARS LATER


Ayesha Rakki's POV


"Ano na naman bang ginagawa mo dito, Tristan?" Inis na tanong ko sa isang 'to habang naglalakad papunta sa office ko. Pambihira. Sumasakit ang batok ko! Palagi nalang. Pakiramdam ko ay tumatanda na talaga ako.


"May dinner daw mamaya. Sinabihan lang naman kita." Nakasimangot na sabi niya sa akin. Sinamaan ko naman siya agad ng tingin. Alam kong may isa pang dahilan kung bakit nandito 'to, eh. Hindi pa sabihin. Naba-bakla na naman siguro.


Pumasok na ako sa office para kunin ang bag ko. Nakasunod pa rin siya sa akin nang lumabas ako kaya inis ko na siyang hinarap. Nahihilo ako sa kaniya! Pambihira!


"Sabihin mo na. Ano ba 'yun?" Tanong ko. Napakamot agad siya sa batok niya at napangisi. Nahihiya pa ang loko!


"Eh kasi..... magpapaalam sana ako sayo." Mahinang sabi niya at tumingin pa sa mga dumadaan. Nahihiya. Nasa tapat lang kasi kami ng office ko at may mga dumadaan na tao dito.


"Sandali nga. Alam ba ni Uncle na nandito ka? Hinahanap ka nun kanina pa, ah! Umuwi ka naman." Reklamo ko sa kaniya na bahagya niyang ikinatawa. Tumawag kasi sa akin si Uncle pagkalabas na pagkalabas ko palang ng OR. Sinabi niya ay nawawala na naman daw si Tristan. Anong gagawin ko diyan? Bantayan? Tss. Ang laki-laki na niya.


"Naririndi ako sa bahay! Napakaharot ni Uncle kay Tita Neza! Nandidiri ako! Parang mga teenager." Reklamo niya na ikinatawa ko. Ayaw baguhin ni Tristan 'yung tawag niya kila Uncle dahil hindi daw siya sanay. Ayaw niya din daw kasi ng Mommy o Daddy kasi ang corny. Napakaarte. Akala mo naman ay dumagdag 'yun sa kagwapuhan niya.


Pagkatapos kasi nung nangyari ay nagkabalikan nga si Uncle tsaka si Tita Neza. Tapos nanirahan sila sa isang bahay dito sa Pilipinas kasama kami ni Tristan. Mas pinili ko pa rin silang kasama. Si Doc Meisha ay nanatili sa bahay nila Daddy. She's like a sister to me. Mas okay na rin na nandoon siya. Mas okay na kami sa mga buhay namin ngayon. Pero minsan naman ay pumupunta ako doon sa bahay. Para bisitahin sila. At so far, wala namang problema.


Natutuwa ako kasi close na rin si Meisha at Tristan. Magkapatid sila kaya kailangan nilang maging okay. Pero nire-reklamo ni Tristan si Meisha sa akin. Inaaway daw siya. Parang mga bata. Nung isang araw ay si Meisha naman ang nagsumbong sa akin.


"Kakaiba din si Uncle, noh? Mahal na mahal si Tita Neza." Natatawa kong sabi na tinanguan niya at bahagya pang ngumisi. "Oh? Ano ng sasabihin mo? Tumatakbo ang oras." Kunot-noo kong tanong sa kaniya.


"Edi habulin natin." Natural na sabi niya na ikinasama ng tingin ko. Pilosopo pa. Tss. Napaayos naman siya ng tayo at tumitig ulit sa akin. "Uhm, kasi——"


"Noah! Maraming tao! Ano ba!" Sabay kaming napalingon ni Tristan kay Doc Meisha at kay Doc Noah na naghaharutan sa hallway. Napatingin naman sila sa amin at agad na ngumiti. Sa hallway pa talaga sila. "Hey, what are you doing here?" Tanong ni Meisha kay Tristan na bahagya pang isinabit ang braso niya sa kapatid. Ngumiti naman sa akin si Doc Noah kaya tumango ako sa kaniya. Mukhang masayang-masaya na ang dalawang 'to.


"May sasabihin kasi ako kay Rakki pero kayo! Ang ingay niyo kaya ayan! Hindi na natuloy. Tss. Ikakasal na nga kayo ang harot niyo pa! Nakakainis!" Reklamo ni Tristan na ikinatawa nung dalawa.


When Fighters Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon