Chapter 38

2.4K 79 0
                                    

This is the updated version of Chapter 38. However, I'll update it once more if I encounter any problem or issues. Thank you for your understanding!


Updated: January 18, 2022


Tristan Keith's POV


Papunta na kami ngayon sa hotel na pinagtutuluyan namin dahil sinabi ni Rakki. Tahimik lang ako habang pinagmamasdan ang madilim na paligid dahil may iniisip din ako. Anong ibig sabihin nung kalaban ni Rakki na darating na ang makakapagpabagsak sa kaniya? Makakapagpabagsak kay Rakki? Ano 'yun? Hindi ko alam kung ano 'yun pero natatakot ako. Natatakot ako para kay Rakki. Hanggang kailan niya ba mararanasan ang mga bagay na 'to?


"Safe na ba doon Uncle?" Tanong ko dahil masiyadong tahimik ang sasakyan. Hindi ako sanay. Natahimik din kasi si Uncle matapos sabihin ni Rakki 'yun. Pero..... 'yung cellphone ko talaga! Kabibili ko lang nun, eh! Waaaah!


"Oo naman. Tsaka hindi ka na aalis ng walang body guards na kasama. Si Rakki ang nagrequest sa akin nun kaya wag ka na magreklamo." Sabi niya sa akin nang makita na magrereklamo pa sana ako dahil bakit? Hindi ko naman kailangan 'yun.


"Rakki," Tawag ko na agad niyang ikinalingon. Nakakagulat dahil attentive pa rin siya kahit ang lalim ng iniisip niya.


"Bakit? May masakit ba?" Tanong niya agad na inilingan ko.


"Hindi ka pa kumakain. Akala ko ba sasabay ka sa amin ni Uncle?" Tanong ko na ikinabuntong-hininga niya. Kumain na kasi kami kanina kasi ang tagal niya pang nagcheck ng pasyente eh, gutom na kami.


"Sa apartment nalang ako kakain." Seryosong sabi niya na ikinakunot ng noo ko.


"Akala ko ba every sunday ay sa hotel ka uuwi?"


"Kailangan kong makapag-isip. Naguguluhan na ako." Bothered na sabi niya at muli nang tumingin sa labas. Hindi na ako nagsalita pa dahil ayokong dumagdag pa sa isipin niya. Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan hanggang sa makarating kami sa entrance ng hotel. Inalalayan pa ako ng mga guards na mailagay sa wheel chair eh, nakakalakad naman na ako. Nakakainis. Nagmumukha akong bakla. Baka pagtawanan ako ni Knight kapag nakita niya ako dito.


Bwisit na 'yun. Walang ibang ginawa sa room ko kundi ang demonyohin ako. Napaka-siraulo.


"Aalis ka na?" Tanong ni Uncle kay Rakki na akma na sanang bubuksan ang pintuan matapos macheck ang buong hotel.


"Magpapahinga na ako." Sabi nito at akma na sanang tatalikod nang muli siyang lumingon sa amin. "Pwede bang bumalik na lang muna kayo sa Paris?"


"Rakki..." tawag ko dahil emosyonal niyang sinabi 'yun.


"Mas mapo-protektahan kayo ng organisasyon doon. Unlike dito. Hindi ko na alam ang gagawin ko." Napabuntong hininga naman si Uncle kaya lumingon ako sa kaniya. Kahit ako ay ayoko sa sinabi niyang 'yun. Hindi ako sang-ayon na paalisin kami dito ni Uncle kung kailan niya kami kakailanganin.


"Dito lang kami. Hindi ka namin iiwan mag-isa kaya tantanan mo ako sa mga desisyon mo na 'yan." Seryosong sabi ni Uncle at umupo sa couch bago muling tumingin kay Rakki. "Kung iniisip mo na mapapahamak kami dito. Nagkakamali ka. Tsaka isa pa, alam kong kakailanganin mo kami. Kaya hindi kami aalis dito."


"I can't protect you, okay? Hindi ko alam kung kaya ko pa bang gawin 'yun once na mangyari nga ang sinasabi ng taong 'yun."


"Did we ask for it? Hindi naman, diba? We can protect ourselves." Taas kilay na sabi ni Uncle. "And you did a really good job, Rakki for the past few months. It's time for us to do something for you."


When Fighters Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon