Chapter 16

2.6K 85 0
                                    

This is the updated version of Chapter 16. However, I'll update it once more if I encounter any problem or issues. Thank you for your understanding!


Updated: January 06, 2022


Tristan Keith's POV


"Bwiset 'to, ah." Inis na sabi ko sa kalaban ko sa online game na nilalaro ko. Paano siya nakakagalaw ng ganito kabilis? Naiinis na talaga ako dahil natatalo na ako. Sayang ang pera ko! Sino ba ang gumawa ng larong 'to?


"Tristan, may gusto na namang pumasok." Rinig kong sabi ni Lay sakin. Ininom ko ang softdrinks na binili ko sa labas at nagfocus ulit sa ginagawa ko.


"Gawan mo na ng paraan. Alamin mo kung sino 'yan. Ako na bahala sa taong 'yun. Basta wag mo nalang sabihin kay Rakki dahil mapapagalitan ako nun. Kilala mo naman ang isang 'yun."


"Sige." Diretsong sabi niya at nagtrabaho na. Magaling talaga si Rakki. Isipin mo, paano niya nalaman na may ganitong kakayahan si Lay? Sabi niya sakin ako na daw ang bahala sa kung ano ang ibibigay na trabaho pero dahil konti lang naman ang nalalaman ko, nagtanong pa rin ako kay Rakki. Hehe. Wala din kasi akong desisyon sa buhay ko. Nakadepende pa rin talaga ako kay Rakki.


Pero mabalik nga sa kwento ko, sinabi ni Rakki na si Lay daw ay ilagay ko sa security system. Nagtaka pa ako dahil mukhang hindi naman marunong ang isang 'yan sa mga computer. Judger lang naman pala ako dahil napakagaling ng isang 'to. Kaya nga ako naglalaro ng online game ngayon kasi isa si Lay sa pinakamataas sa rank dito. Kilalang-kilala na rin siya. Gusto ko rin 'yung ganon. Para kasing ang angas.


"Naiinis na ako talaga ako, ha." Inis na sabi ko. Wala na nga akong trabaho ngayon dahil pahinga ko daw sabi ni Uncle pero mas umiinit ang ulo ko sa larong 'to. Sinasabihan pa ako ng bobo, eh kung sapakin ko kaya sila isa-isa? Hindi ako bobo, noh! Sino ba ang mga 'to at parang gusto ko makausap sa personal? Nakakainis, eh.


Napatingin ako agad nang makitang tumatawag si Uncle sa cellphone ko na nakalagay sa ibabaw ng lamesa. Hindi ko naman pwedeng balewalain 'yun kaya kahit naglalaro ay sinagot ko kaagad ang tawag.


[What's up, Uncle?] Mahina pa akong napumara nang mamatay na naman ako.


[Nasan ka?]


Nasan nga ba ako? [Ano pa nga ba, Uncle? Malamang nagtatrabaho ako.]


[Working? With what? Online games? Alam ba ni Rakki na gumagastos ka sa mga larong 'yan?] ah, putcha. Paano niya nalaman 'yun? Wala naman akong sinabihan, ah. Ang username ko nga dito ay cokenamissmo. Hindi ako mahahalata kaya paano nalaman ni Uncle?


[Wag mo nalang akong isumbong para ka namang others, eh. So, ano ang kailangan mo? Natatalo na ako.] reklamo ko na ikinatawa niya.


[Isa naman sigurong malaking pagkakamali ang paghintayin ako dito sa airport, diba?]


[Anak ng! Ano?] nagugulat na tanong ko na lalo niyang ikinatawa.


[Faster, Tristan. Ang init.] Reklamo niya kaya napatayo na ako sa upuan ko at agad ibinaba ang linya.


"Lay. Dito ka muna, ha." Sabi ko at tumakbo na papunta sa sasakyan ko. Kalahating saya at takot ang nararamdaman ko. Saya dahil buo na naman kaming tatlo at takot dahil siguradong magagalit si Rakki. Ayaw niyang papuntahin dito si Uncle. Ako nga pinapabalik na, eh. Paano pa kaya ngayon na nandito na si Uncle?


When Fighters Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon