Chapter 35

2.4K 84 2
                                    

This is the updated version of Chapter 35. However, I'll update it once more if I encounter any problem or issues. Thank you for your understanding!


Updated: January 14, 2022


Ayesha Rakki's POV


Nagmulat ako ng mata at agad na napatayo nang makita na sikat na sikat na ang araw. Tiningnan ko kaagad ang relo ko at nang makita kong 2pm na ay akmang tatayo na sana ako ng magsalita si Tristan. Badtrip din ang isang 'to! Hindi man lang ako ginising! Nagpagising ako, eh!


"Kumain ka na muna." Sabi niya sa akin at itinuro ang take outs na nandoon sa lamesa. Napatingin pa ako sa bandage na natanggal sa braso niya dahil sa kalikutan niya kaya inayos ko na rin 'yun. "Hala, natanggal pala hehe. Hoy, kain na."


"Hindi pa pwede. Marami akong gagawin dahil ilang oras ako natulog. Tss. Sabi ko gisingin mo ako after 30 minutes, eh. Babangasan kita ulit." Inis na sabi ko sa kaniya. Agad na napakunot ang noo ko nang makita na nakangisi siya. Nakuha niya pang ngumisi habang pinapanood akong mastress.


"Wag ka na magmadali. Si Doc Zayden na 'yung gumawa ng trabaho mo."


"Huh?" Naguguluhan na tanong ko. "Anong si Doc Zayden na ang gumawa?"


"Pumunta siya dito. Nakitang tulog ka kaya sinabi na wag ka na daw gisingin. Sabi pa nga niya ay wag ko daw sabihin sayo kaso.... alam ko namang malalaman mo rin kaya ako na nagsabi." Napabuntong hininga ako sa sinabi niyang 'yun. Ano bang trip ni Doc Zayden? "Kumain ka muna. Sabayan mo ko at may pinuntahan si Uncle. Laboy na laboy na naman 'yun. Sabi ko kausapin niya ako dito, eh." Reklamo niya kaya dahan-dahan na akong umupo sa tabi niya at sinabayan na siya kumain.


"Seryoso ba? Si Doc Zayden pumunta dito?" Paninigurado ko na bahagya niyang ikinatawa.


"Oo nga. Psh." Sabi nito at kumain na. Tinulungan ko pa siyang tanggalin 'yung plastic nung spoon and fork dahil hindi niya maikilos ng maayos ang kamay niya. "Oo nga pala, sabi sakin ni Uncle ay pupunta daw dito ang mga Adisson mamaya. Tss. Ano naman gagawin nila dito? Kagagaling lang ni Doc Meisha dito, eh. Tsaka gusto ko na maglaro. Baka bumaba na ang rank k——char! Magpapahinga pala ako." Nakangiting sabi niya nang samaan ko siya ng tingin. Puro nalang siya online game. Nakikipagpataasan siya kay Lay eh ang layo layo na ng rank nun.


"Bakit daw pupunta dito ang mga Adisson?" Diretsong tanong ko sa kaniya.


"Aba, ewan ko. 'Yun 'yung sabi sakin ni Uncle, eh. Bakit parang ayaw mo? Pfft. Mabait naman si——teka nga, may problema ka ba sa mga Adisson?" Kunot-noong tanong niya sa akin nang mahalata ang pag-iisip ko ng malalim. Napabuntong hininga naman ako at tiningnan siya ng diretso. Hindi niya pa nga pala alam 'yung tungkol doon. Kanino ko lang ba sinabi? Kay Doc Zayden?


"Hindi mo sasabihin kay Uncle 'to, ha." Pagbabanta ko sa kaniya na agad niyang tinanguan. "Naalala mo 'yung may natanggap akong note. Yung van ni sinakyan ni Samonte ay pag-aari ng Adisson."


"Hala, hindi nga?" Gulat niyang tanong.


"Oo nga. Tss. Sa ngayon, kailangan ko nalang makausap 'yung lalaki na naging saksi nun kasi iisa lang naman 'yung pumatay kay Lola tsaka 'yung naghiwalay sakin sa pamilya ko. Madali ko nalang makikilala 'yun kung mahahanap ko na ang alas ko. Eh kaso, tinataguan pa ako. Badtrip." Reklamo ko sa kaniya. Hindi na ulit kasi nagparamdam sa akin 'yung nagbigay ng sulat. Hindi ko alam kung ilang araw na naman ako maghihintay.


When Fighters Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon