Ayesha Rakki's POV
Muli na naman akong pumasok sa hospital kinabukasan. Muntik pa ako malate kakaisip sa nakuha kong letter kahapon. Meron kasi akong picture na nakalagay doon tapos duguan.
Hindi naman ako natakot sa picture ko. Mas natakot ako sa laman nung letter talaga. At least considerate enough siya na hayaan muna akong malaman ang tungkol sa mga magulang ko??
"Cousin!" Sigaw nang kung sino kaya agad akong napalingon doon at bumungad sa akin si Knight na tuwang-tuwa pa ata nang makita ako.
Siguro ay nakarating na sa kaniya ang balita na parte ako ng mga Adisson. Wala naman akong balak na ipagkalat.
After all, hindi naman ako tanggap.
"Who told you?"
"My mother, of course." Ah yes. Malamang ay nakarating na nga sa kanila. "So, kailan ka lilipat?"
"Saan?"
"Sa bahay nila Uncle?"
Natawa ako sa tanong niya. "I'm not leaving Uncle Sean and Tristan, Knight."
"What? Ganon nalang yun?"
"Yes. Choice naman namin lahat." Mukhang wala siyang idea sa kung anong nangyari. Mabuti na yun. Kapag nalaman niya, baka mailang pa siya sakin.
"What are you doing to my girlfriend, Adisson?" Kunot-noong tanong ni Zayden na agad lumapit sa akin at bahagya pang hinalikan ang noo ko.
Pansin ko pa ang pagtingin ng iilan na dumaan. Hindi nila alam. Pero may nababalitaan na silang may girlfriend si Zayden. Yes, kumalat yung narinig ni Shane last time. Siguro naipasa nang naipasa sa mga nurses until nakarating sa ibang department at sa mga doctor. Wala lang talaga silang alam sa kung sino. At least ngayon—meron na.
"Bro, there are two Adisson here." Sabi nito na bahagyang inilingan ni Zayden.
"Her last name is not Adisson."
"What? Wala ka ring balak ipabago last name mo?" Nagugulat na tanong ni Knight sa akin na ikinatango ko.
Surname kasi ni Uncle ang gamit namin ni Tristan. Actually, yung akin ay same kay Lola Belinda. Hindi ako nagtaka before kung bakit same sila ng surname ni Uncle. Ang naisip ko ay baka masiyadong common ang last name na yun para maging magka-apelyido kami nila Tristan.
"There will be a party later. They prepared it for you." Natural na sabi ni Zayden na ikinatango ko.
Sinabihan ako ni Dad kaninang umaga about sa party. Ayoko nga sana pumunta kaso nagmessage din sakin si Uncle Sean. Wala akong choice kundi ang pumunta.
"Did you eat breakfast already?" Tanong ni Doc Zayden sa akin habang naglalakad kami papunta sa office.
Sabay kaming naglalakad. Ang difference lang, may hawak na siyang medical chart at halatang nagta-trabaho na, samantalang ako ay may dala pang bag at halatang kakapasok palang.
"Yup. Ikaw?"
"Done." Nakangiting sabi niya na ikinatango ko.
"Doc Zayden, can you help us with this?" Napatigil kami ni Zayden nang may humarang sa kaniya na isang doctor.
BINABASA MO ANG
When Fighters Fall In Love
RomantikHaunted by events from years ago, Ayesha Rakki is determined to return to the Philippines and seek revenge. To do that, she must first become a doctor-using her profession as a way to track down the people she's been searching for. Along the way, sh...
