Chapter 31

2.3K 66 0
                                    

This is the updated version of Chapter 31. However, I'll update it once more if I encounter any problem or issues. Thank you for your understanding!


Updated: January 13, 2022


Zayden Sebastian's POV


Agad napakunot ang noo ko nang makita na tumatawag si Chairman sa akin early in the morning. Inaantok pa ako dahil late na ako umuwi kanina. Such a tiring day.


[Chairman.] Panimula ko at sandali pang sinilip kung anong oras na ba.


[Have you seen Ayesha?] Tanong niya na agad ikinakunot ng noo ko. Kagabi ko siya huling nakita pero ngayong umaga,


[Not yet. Why? Is there a problem?] Tanong ko. Napabuntong-hininga naman siya bago sumagot sa tanong ko kaya mas lalo lang akong nag-alala.


[I talked to Sean and he said that they encounter a problem this morning. Tristan is missing.] Sabi nito na ikinatigil ko.


[What?]


[Ayesha is not okay because that's Tristan. That's her brother. According kay Sean, may sugat daw sa pisngi at ulo si Ayesha at ilang beses pang nasipa sa sikmura dahil sinubukan niyang habulin si Tristan but she didn't get him. So, I am asking you to help her. I'm already aware of what happened so I decided not to allow her to work just for today.]


[Ako na po ang bahala, chairman. Don't worry.] Sabi ko at ibinababa na ang linya. Sinubukan kong tawagan si Ayesha pero walang sumasagot kaya naghanda nalang muna ako bago ko naisipan na pumunta sa room niya. Nasa tapat na ako nang pintuan niya nang mapansin ko na nakabukas ito. Ilang beses pa akong kumatok pero walang sumasagot kaya tuluyan na akong pumasok.


Napakunot pa agad ang noo ko nang makita ang mga pinaglinisan ng sugat niya. May mga cotton doon at bandage. Kahit ang ilang papel ay napansin ko. Hindi ako sanay na makita na may mga kalat dito. Kadalasan naman kasi ay malinis sa lugar si Ayesha.


"Ayesha." Tawag ko pero walang sumagot. Kinuha ko ulit ang cellphone ko para tawagan siya at akma nang aalis nang makita ang isang litrato na napupuno ng kunai. Lumapit ako doon at ganon nalang ang gulat ko nang makita ang itsura nun. Hindi ako pwedeng magkamali. Ang kunai na 'yun ay ang kunai ng taong nagbanta kay Knight. Alam kong tama ako doon. "What the hell are these?" Naghahanap ako ng sagot sa tanong ko pero ngayong nasa harapan ko na ang sagot ay parang nanghina pa ako. Papaanong siya? Bakit si Ayesha?


Kasalukuyan kong tinitingnan ang kunai nang may marinig akong kaluskos kaya napahawak agad ako sa baril na nasa ilalim ng polo ko. Dinala ko talaga 'to dahil sa sinabi ni chairman na nawawala si Tristan. Baka kasi may nangyari din kay Ayesha and I know, I can help her. I know how to fight and I also.... have my own group.


Agad kong nakita si Ayesha na may hawak na baril habang nakatutok ng diretso sa akin kaya binitawan ko na ang baril ko. Napatingin pa ako sa kabuuan niya nang maalala ang sinabi sa akin ni chairman kanina. Bukod sa bandage na nasa pisngi niya, mukhang okay naman siya. Wala naman akong nakitang iba pang sugat but I doubt that. Kilala ko si Ayesha. She likes hiding her pain.


"Anong ginagawa mo dito?" Seryosong tanong niya sa akin. Napabuntong hininga ako at tinitigan siya ng diretso sa mata.


"Saan ka galing?" I can't ask her if she's okay because I know she's not. Ayokong itanong ang halata naman na. Kahit sabihin na matapang si Ayesha, may kahinaan pa rin siya and that is Tristan and her Uncle Sean. She loves them so much.


When Fighters Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon