Chapter 27

2.8K 79 0
                                        

Ayesha Rakki's POV


Hindi ko na alam kung ano pa ang sasabihin kay Tristan matapos ang call namin. Natulala nalang ako.


"Are you done?" Tanong ni Zayden kaya nabalik ako sa sarili ko at bumuntong hininga.


"Yes. Thank you for saying na kailangan ko silang kausapin. They are worried." Hindi lang worried. Parang mababaliw pa ata si Tristan.


Ganon din naman ako. Kapag may nangyaring masama sa kanilang dalawa, mababaliw ako.


"Hmm, I know. So, are you ready to tell me everything?" Baka kailangan ko na nga sabihin sa iba. Bukas ay sasabihin ko na rin kila Uncle ang nangyari. Tama nga naman sila, hindi ko naman kailangan i-isolate ang sarili ko.


"May nakuha akong note sa tapat ng office ko kanina." Natural na sabi ko at pinanood ang reaction niya. "Pinapapunta ako sa isang lugar dahil alam niya raw kung sino ang pumatay sa lola ko."


"Do you really believe that?


Nainis agad ako sa paraan ng pagtatanong niya na parang kinukwestyun niya ang desisyon ko. "Yes."


"Rakki, what if they're dangerous people? What if they trap and do something terrible. Now, I understand why Tristan is so worried about you." Nakita niya kanina. Pumunta ba si Tristan kanina sa hospital?


"Anong gagawin ko? I'm desperate to find those people. I'll do whatever it takes to find them."


"Even if it cost your life?" Pareho silang OA ni Tristan.


"No. Of course not."


"Good. That's all I needed to hear." Buntong hininga na sagot niya.


"Pumunta kanina sa hospital si Tristan?" Hindi niya naman sinabi sa call kung bakit niya ako hinahanap. Mas nauna na yung pag-aalala niya sakin.


I don't know kung ano ang sasabihin ni Uncle bukas. Papagalitan din ako nun pero less sa ginawa ni Tristan.


"He's looking for you. And then heard the news that you're not in the hospital." Natural na sagot niya. "Did you get anything from the person you were looking for?"


"Wala. Hindi niya ako pinuntahan dahil may mga nakabantay sa shop na yun."


"What?"


"Yeah. Tapos nung nahuli ko yung mga nakabantay sakin, wala rin naman akong nakuha dahil may tumawag lang daw sa kanila to do that. You know how some organization works. They do it for the money."


"I know. They'll do everything for the money."


"Yes. And then nakita ko rin yung may motor. Binaril niya ako pero nakaiwas naman ako."


"Okay. Where's your gun?" Tanong niya na ikinakunot ng noo ko.


"Nasa bag ko. Bakit?"


"None. I'm just glad you're safe."


Dumating na rin yung inorder niyang pagkain para sa aming dalawa kaya kumain na ako. May sinabi din siya tungkol sa hospital kanina kaya nakinig ako.


Good thing din pala talaga na may napag-uusapan kaming ganito. Nada-direct yung isip ko sa ibang bagay.


"Hindi ka pa ba babalik sa room mo?" Anong oras na at nandito pa rin siya. Hindi ko makausap si Faudia dahil maririnig niya.


When Fighters Fall In LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon