Chapter 43

2.6K 84 3
                                        

Ayesha Rakki's POV


Maganda ang gising ko kinabukasan siguro dahil okay na kami nila Uncle at okay na rin kami ni Dad. Sobrang gaan ng dibdib ko. Hindi ko ma-explain.


"Papasok ka na?" Tanong sa akin ni Tristan habang nag-eexercise siya. Kakagising niya lang kasi.


Bukas pa ang curtain kaya sobrang liwanag dito sa buong hotel.


"Yes. Are you even allowed to exercise now?" Kunot-noong tanong ko na bahagya niyang ikinatawa.


"I'm okay now, Rakki. Kung hindi mo lang pinatay si Samonte, baka hinahanap ko na siya."


"Paano?"


"Syempre... using my skills."


Napataas agad ang kilay ko. "Why don't you ask Faudia for help?"


"No way." Natawa ako sa sinabi niya at napailing nalang.


Bahala siya.


Habang naglalakad ako sa main building ng Stonefield ay binati pa ako ng mga doctor at nurse na nakakasalubong ko. Bahagya pang kumaway sila Nurse Cha nang makita ko sila sa front desk kaya nginitian ko sila.


Mamaya nalang ako pupunta sa kanila kapag nakadaan na ako sa office.


Pumasok na ako sa loob at isinuot ang white coat ko. Kukunin ko na sana ang phone ko nang mapalingon sa pintuan nang pumasok si Doc Zayden na nakakunot pa ang noo habang may suot na salamin.


He doesn't usually wear his glasses, but when he does, you can't help but stare because they make him look unbelievably handsome.


"You are 5 minutes late, Doc Rakki. Here's your chart." Seryosong sabi niya na ikinakunot ng noo ko.


Agad ko namang kinuha sa kamay niya ang chart pero nagulat ako nang hilahin niya ako papalapit sa kaniya at napangiti nalang ako nang tuluyan niya akong mayakap.


"How's my girl?" Nakangiting tanong nito habang nakayakap sa akin. Bahagya akong humiwalay sa kaniya at tiningnan siya ng diretso sa mata.


"Nakausap ko na si Dad. We're okay. And uhm—okay na rin kami nila Uncle Sean. We talked and I did say a lot of things kaya nag-sorry agad ako." Nakangiti kong sabi na ikinangiti niya at niyakap na naman ako.


Hindi ko na-imagine ang sarili ko na magmamahal ng ganito. It's just a waste of time for me... not until he came.


"Bakit ikaw ang nagdala sa akin ng medical chart ko?" Tanong ko sa kaniya.


Natawa naman siya sa tanong ko at bahagyang inayos ang salamin niya.


"Just to avoid people. I'm engaged, remember?" Sabi nito na ikinairap ko.


Alam kong pabiro lang yun pero hindi ko maiwasang hindi mainis.


"At kapatid ko pa yung fiancee mo. Ang galing mo." Napakagaling niya talaga. Wala akong masabi sa kaniya.


"Wait. I think I can really stop that wedding." Tuwang-tuwa niyang sabi at hinalikan pa ang tuktok ng ulo ko.


Hindi ko maintindihan ang sinabi niya dahil tuwang tuwa talaga siya doon.


"What do you mean?"


"You're Uncle Archie's daughter. The agreement was that the eldest children from both families would marry each other—and you're the eldest."


When Fighters Fall In LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon