This is the updated version of Chapter 56. However, I'll update it once more if I encounter any problem or issues. Thank you for your understanding!
Updated: January 25, 2022
Ayesha Rakki's POV
9am kami pumunta sa Archery Center kinabukasan. Hindi ko inakala na may lugar palang alam si Faudia sa Pilipinas na pwedeng pagsanayan ng ganito. I mean, mas matagal ako dito pero mas may alam siya. Hindi ba't nakakapagtaka 'yun?
Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Isa itong malaking-malaking field. Kung tutuusin ay pwede rin ito sa pagpa-practice kung paano humawak ng baril. Maganda ang lugar na 'to. Masyadong malawak.
"Hindi naman siguro ako mamamatay kapag natamaan ako nito, diba?" Tanong ni Dale na bahagya kong ikinatawa. Ang inosente talaga nila sa mga ganitong bagay at 'yun ang nakakatuwa. Pakiramdam ko kahit papaano ay normal pa rin naman pala ang buhay ko dahil napapalibutan ako ng mga normal na tao.
"Baka hindi na ako mabuhay bukas." Natatawang sabi naman ni Shane tapos sabay ulit sila na natawa ni Dale. Pfft.
"Hindi kayo mamamatay diyan kung hindi niyo matatamaan 'yung major organ tsaka blood vessels niyo. Pero kapag 'yun ang natamaan, siguradong patay ka pero hindi agad-agad. Magdasal ka nalang muna." Pang-aasar ko na ikinatawa lalo nila. Naghampasan pa silang dalawa. Ang cute talaga ng mga 'to.
Nagsimula na rin naman silang pumana makalipas ang ilang minuto. Si Shane, Zelle, Dale at Cade ay nagsimula na dahil sila talaga ang excited. Si Faudia at si Tristan naman ang umaalalay doon sa apat. Si Nurse Cha ay hindi na sumama sa amin dahil mas gusto niya daw magpahinga. Samantalang ako, si Zayden at si Knight ay nanatiling nakaupo dito at nanonood. Nagmamasid sa mga nangyayari.
"Bakit hindi mo subukan, Knight?" Tanong ko na ikinalingon niya. Nagtatake pa pala siya ng photo.
"Tuturuan ko nalang si Shane. May konting nalalaman naman ako diyan, eh." Nakangiting sabi niya at lumapit na kay Shane. Natahimik naman kami ni Zayden habang nanonood sa kanila hanggang sa may pumasok sa isip ko. May ganon, eh. 'Yung biglaan mo nalang talaga naiisip at wala kang ibang magawa kundi ang ilabas 'yun dahil kung hindi, buong araw mong iisipin.
"Sa tingin mo, bakit hindi pa kumikilos si Uncle Greg?" Tanong ko kay Zayden habang nakatingin kila Tristan. Napabuntong-hininga naman siya sa tanong ko bago sumagot.
"Hindi ko rin alam. Pero magpasalamat tayo dahil wala pa siyang ginagawang masama. We still have time to prepare."
"To be honest, gusto ko na siyang mahuli. Pakiramdam ko ay hindi makukumpleto ang pagkatao ko hangga't hindi ko nakikita ang taong 'yun. Hindi pa rin ako makatulog ng maayos sa gabi." Seryoso kong sabi at bahagyang yumuko. Naramdaman ko naman agad ang kamay niya na humawak sa kamay ko na nakapatong sa mga binti ko kaya nag-angat na ulit ako ng tingin sa kaniya at tumingin ng diretso sa mga mata niya. Ang daming sinasabi ng mga mata niya.
"Matatapos din 'to, babe. Trust me." Nakangiting sabi niya na ikinangiti ko na rin. Hindi ko alam kung bakit pa sumama si Zayden dito eh, hindi naman pala siya hahawak ng pana.
Kasalukuyan na silang nagpapahinga nang lumapit sa akin si Faudia at abutan ako ng pangpana. Napatingin tuloy sa pwesto namin sila Tristan.
"Matagal-tagal na rin kitang hindi nakakalaban." Nakangisi niyang sabi sa akin kaya napasigaw si Knight sa excitement dahil makakapanood siya ng madugo-dugong labanan. Tss. Tumayo naman ako at pumwesto. Handa ng lumaban. Sila Dale ay pumwesto na sa likuran. Napansin ko pa si Zayden na kinukuhaan ako ng picture.
BINABASA MO ANG
When Fighters Fall In Love
ActionBecause of what happened years ago, Ayesha Rakki wanted to return to the Philippines for a revenge. But she must be a doctor in order to do so while searching for those people. And while doing so, she will meet a man named Zayden Sebastian Farrell...
