Chapter 41

2.5K 86 0
                                        

This is the updated version of Chapter 41. However, I'll update it once more if I encounter any problem or issues. Thank you for your understanding!


Updated: January 18, 2022


Ayesha Rakki's POV


Nakatitig lang ako sa taong tumawag ng pangalan ko. Hindi makapaniwala na siya ang nasa harapan ko. Hindi ko rin alam kung anong gagawin ko. Ano ba ang dapat na ginagawa sa mga ganitong sitwasyon? Kung ang susundin ko ay ang utak ko, malamang sa malamang ay wala na ako dito dahil tumakbo na ako.


"Siya 'yung sinasabi ko sayong palaging pumupunta dito. Ngayon ay hindi niya kasama ang asawa niya pero kadalasan ay pareho naman silang pumupunta." Sabi ni Lola Tina kaya napalingon ako sa kaniya ulit. Bahagya pa niyang tinanguan ang lalaking 'yun.


"S-sigurado ho ba kayo? Baka naman ho nagkakamali kayo kasi imposible po ang sinasabi niyo. Hindi naman po siya ang..." nauutal na sabi ko. Naramdaman ko pang hinawakan ni Zayden ang braso ko kaya napaangat ang tingin ko sa kaniya. Hindi ko alam kung ilang minuto na akong umiiyak. Parang hindi man lang kasi nauubos ang luha ko. Kapag nagtanong pa si Zayden kung okay lang ako baka umiyak na ako ng sobra sa lugar na 'to. At ayokong mangyari 'yun.


"Gusto mo bang umalis na dito?" Tanong niya kaya agad na napuno ng luha ang mga mata ko. Hindi ko akalain na 'yan ang gagawin niya sa mga oras na 'to dahil 'yun ang kailangan ko. Kailangang-kailangan kong makaalis na sa lugar na 'to dahil pakiramdam ko nauubusan na ako ng hangin.


"A-alis na tayo." Bulong ko na bahagya niyang nginitian at hinila na ako palabas sa lugar na 'yun. Hindi ko alam kung ano ang sinabi ni Zayden sa taong 'yun para hindi na kami sundan pero ang laki ng pasasalamat ko sa kaniya. Tama nga siya. Kung ako lang mag-isa ang pumunta dito at natagpuan ang taong 'yun ay hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Tila naging blangko ang utak ko. Parang bumalik na naman ako sa simula.


Pumasok na kami sa loob ng kotse na agad niyang pinaandar. Gusto ko mang itanong kung saan kami pupunta ay hinayaan ko nalang siya at tumingin nalang sa labas habang tuloy-tuloy na umaagos ang mga luha ko.


Bakit siya pa? Bakit siya pa ang taong matagal ko ng hinahanap? Hindi ko matanggap. Ibig sabihin ay alam na niyang ako ang anak niya pero hindi niya man lang sinabi sa akin sa kabila ng lahat? Hindi ako tanga para hindi mapansin ang reaksiyon niya. Halatang inaasahan na niya ako sa lugar na 'yun. Ilang beses ko siyang nakita. Ilang beses kaming nagsama sa iisang lugar pero hindi niya man lang nasabi na siya 'yung tatay ko. Wala man lang siyang sinabi. Ganon ba niya kaayaw sa akin? Hindi ba talaga ako madaling mahalin? Ano bang problema sa akin?


Napailing ako at pinunasan ang luha ko kahit alam kong useless naman 'yun dahil patuloy pa rin akong umiiyak. Ang totoo kasi niyan, isa siya sa iniisip ko na pumatay kay Lola. Isa siya sa mga taong pinag-isipan ko ng masama! Kaya napatanong agad ako sa sarili ko kung bakit siya pa ang gumawa sa akin nun pero wala naman akong mahanap na sagot. Kasi siya naman pala 'yung tatay ko at hindi niya magagawa ang bagay na 'yun dahil katulad ko, nawalan din siya ng anak.


Pareho lang tayong pinaglaruan ng tadhana, Mr. Archie Adisson.


Zayden Sebastian's POV


Nanatiling tahimik si Ayesha sa buong byahe namin. Hindi ko na rin sinubukan pang magtanong dahil kahit ako ay nagulat sa nakita ko. Anong ginagawa ni Uncle Archie sa lugar na 'yun? Nagkataon lang ba? O tama 'yung sinasabi ni Lola Tina na siya ang tunay na ama ni Ayesha. Bigla akong naguluhan. Kung siya ang tunay na ama ni Ayesha. Ano si Meisha? Kapatid niya ba si Meisha?


When Fighters Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon