Chapter 4

3.3K 111 0
                                    

This is the updated version of Chapter 4. However, I'll update it once more if I encounter any problem or issues. Thank you for your understanding!


Updated: January 04, 2022


Ayesha Rakki's POV


"What happened to the patient?" Tanong ng isang doctor sakin na hindi ko na rin naman pinansin dahil pinanood ko na 'yung bata na lapitan ng ilang doctor dito sa emergency room. Unconscious pa rin pero bumalik naman na 'yung pulse niya.


"Good Afternoon, Doc Zayden. Inatake po sa puso sa isang grocery store. The parents are waiting outside po." Sagot nung nurse pero ramdam ko ang tingin sakin nung doctor na 'yun kaya tumingin na rin ako.


"How about his breathing?"


"Stable na po. Ginawa na po ni Doctora." Doon na tumaas ang kilay niya nang ituro ako ng nurse sa harapan namin. Napansin ko pa ang pagtingin niya sa kabuuan ko na ikinakunot ng noo ko.


"Dalhin niyo na siya sa operating room. Susunod ako." Utos nito na tinanguan naman nung nurse at agad nagpatulong sa mga kasamahan niya. Susunod na rin sana ako para icheck 'yung bata ng hawakan ng lalaking 'to ang braso ko.


"What?"


"Who are you?"


"Ayesha. Ayesha Rakki. I'm a medical doctor." Ipinakita ko sa kaniya ang id ko na seryoso lang naman niyang tiningnan bago muling tumingin sakin.


"You're the new one?"


"Exactly, Doc." Natural na sabi ko sa kaniya. Napapatingin pa sa amin ang ibang dumadaan. Kadalasan ay mga doctor din. Palibhasa nandito kami sa emergency room kaya maraming tao.


"Chairman is expecting you today. He's in the meeting room with the board of directors. He asked me to tell you that." Sabi nito at tinalikuran na ako. Nagkibit-balikat nalang ako at maglalakad na sana ng tumigil na naman siya at nilingon ako. "Get yourself organized. You look like a mess." Sabi nito at tuluyang tinalikuran ako.


"W-what did he say?" Hindi makapaniwala kong tanong. Bukod naman sa nagulo kong bun dahil sa pagmamadali kanina, wala ng ibang ma——ah damn it! May ketchup pa ang puti kong damit dahil sa kababuyan ni Tristan. Nagpizza kasi siya kanina. Tapos nung binuksan niya 'yung ketchup, tumalsik sakin 'yung iba. Wala naman sa plano ko na pumasok ng ganito ang itsura ko. Napatingin tuloy ako sa nurse na natatawa habang naglalakad papalapit sakin.


"Hi, Doc Rakki. I'm Nurse Zelle. Inutusan po ako ni Doc Zayden na dalhin kayo sa office niyo. Tara po." Nakangiti niyang sabi at naglakad na rin kaya sumunod ako. Baka maligaw ako sa lugar na 'to. Hindi pa naman ako ganon kapamilyar.


At dahil nga pawang mga nakaputi ang tao dito. Pinagtatawanan nila ang damit ko. Halatang-halata kasi 'yung ketchup. Yung jacket naman kasi na pinahiram ni Tristan kanina, hindi ko na alam kung saan ko inilapag.


"Mag-ayos na po kayo Doctora. Nandyan na po 'yung lab coat niyo and your other things. Maiwan ko na po kayo."


"Uhm, wait." Pigil ko sa kaniya kaya napatingin ulit siya sakin. "Salamat."


"Wala po 'yun. Tawagin niyo nalang po ako kung may kailangan kayo." Sabi niya at umalis na. Napatingin ako sa kabuuan ng office ko. White ang theme niya na may pastel na brown. Maganda ang view dahil malaking malaking kurtina ang nasa tabi ko. Nang silipin ko pa 'yun, nakita ko ang park sa labas. May mga patient na naglalaro at nag-eexercise. Hapon na kasi kaya hindi na masiyadong masakit sa balat ang araw.


When Fighters Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon