Chapter 37

2.4K 73 3
                                    

This is the updated version of Chapter 37. However, I'll update it once more if I encounter any problem or issues. Thank you for your understanding!


Updated: January 17, 2022


Ayesha Rakki's POV


Ramdam ko ang pagdiin ng kutsilyo sa leeg ko dahil bahagyang kumirot 'yun. Badtrip naman! Hindi pa nga magaling 'yung nasa pisngi ko, eh! Pero ano pa nga bang magagawa ko? Ako ang nagsabing papalit sa pwestong 'to? Tss.


"Rakki." Biglang tawag ni Uncle kasama si Tristan at chairman. Nakawheel chair pa si Tristan at agad akong tinaasan ng kilay na parang sinasabi niya na napakahina ko sa mga oras na 'yun dahil wala man lang akong ginagawa.


"Wag." Pigil ko sa mga body guard nila Uncle na akmang lalapit. Muli ko na namang naramdaman ang pagdiin sa leeg ko dahil sa ginawang paglapit ng mga body guard namin. Wala namang kaso sa akin na mamatay sa mga oras na 'to pero mukhang hindi papayag si Uncle doon. Tss. Napasinghap pa ang mga taong nanonood nang makita na unti-unti na tumulo ang dugo ko mula sa leeg. Ramdam ko 'yun pero hindi naman ganon kalakas dahil buhay pa ako. Baka guhit lang talaga.


"Ako na ang bahala sa pagpapagamot ng anak mo. Bitawan mo na ako." Mahina kong sabi sa lalaking may hawak sa akin.


"Ikukulong nila ako kapag ginawa ko 'yun." Natatakot na sabi niya at hinigpitan pa ang kapit sa akin. Ang higpit ng kapit niya sa braso ko. Kaya ko namang patumbahin 'to kaso maraming magtataka sa kakayahan ko.


"Malamang ikukulong ka nila. Pambihira!
Tinutukan mo ako ng kutsilyo. Dapat ay mas matindi pa ang parusa sayo. Hindi mo ako kilala." Inis na sambit ko. Hindi pa sinasadyang mapatingin ako kay Doc Zayden na kasalukuyang nakakunot ang noo habang nakatingin sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay.


"One." Mahinang bilang niya na agad ikinakunot ng noo ko. Eto na naman kami. Hindi na naman kami magkaintindihan. Tss. "I'm counting." Inis na sabi niya. Isinenyas pa niya sa akin ang isang upuan sa gilid ko kaya napangisi ako. Naintindihan na rin. "Two." Bulong niya habang busy sa pakikipag-usap ang lalaking 'to kila chairman. Ang dami na rin kasing police ang nandito.


Napatingin kami sa babaeng kararating lang na agad lumapit doon sa bata. Kahit si manong ay napatitig sa babaeng bagong dating at 'yun na ang tiyansa namin na gawin ang plano. Nang makabilang si Zayden ng tatlo ay agad akong umapak sa bangkong 'yun at tumalon patalikod. Nasipa ko pa ang kutsilyong hawak ni Manong kaya napaupo siya sa sahig na agad hinawakan ng mga guard.


Ako naman ay akala ko ay maganda ang pagkakatayo ko pero napaapak ako sa madulas na bagay kaya matutumba ako. Shit! Ang daming tao! Pangit ang bagsak ko! Nakakahi——agad na may pumulupot na braso sa bewang ko para saluhin ako kaya napalingon ako doon at bumungad sa akin ang mukha si Doc Zayden. Agad pa akong napaayos ng tayo nang makita na may mga nakatingin sa amin.


Mas nakakahiya pala 'yun. Nakakainis.


"Chairman, gagamutin ko lang 'yung sugat ni Doc Rakki. May pag-uusapan din kami tungkol sa isang patient. So, we'll go now." Sabi nito habang hila-hila ako. Mahigpit pa ang pagkakahawak niya sa braso ko.


"Hoy! Bitawan mo ko!" Inis na sabi ko pero tiningnan niya lang ako ng masama. Bwisit talaga! Wala na akong sariling desisyon. Nagtuloy-tuloy siya papunta sa office niya na labis kong ikinataka dahil akala ko ay gagamutin niya ang sugat ko. "Ano bang ginagawa mo?" Naguguluhan na tanong ko nang matapos niyang isara ang pintuan ay dahan-dahan siyang lumapit sa akin hanggang sa mapasandal na ako sa pader. Unti-unti na namang bumibilis ang tibok ng puso ko. Hindi nga baril ang papatay sa akin kundi itong puso ko. Nakakairita.


When Fighters Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon