This is the updated version of Chapter 23. However, I'll update it once more if I encounter any problem or issues. Thank you for your understanding!
Updated: January 10, 2022
Ayesha Rakki's POV
Akala ko ay makakatulog ako ulit pero mali pala ako dahil nakita ko nalang ang sarili ko na naliligo na. Ayoko talagang ginigising ako kasi kapag nagising na ako, hindi na ulit ako makakatulog. Kasalanan kasi ni Tristan at Zayden 'to! Argh! Pagkalabas na pagkalabas ko ng banyo ay muling tumunog ang telepono ko kaya kunot-noo ko 'yung kinuha at sinagot nang makita kung sino.
[Ano na naman?] Inis na tanong ko na bahagya niyang ikinatawa. Nakuha pa niyang tumawa!
[Mag-ayos ka na daw. Aalis tayo. Papunta na kami ni Uncle diyan.] Sabi niya at pinatay na agad ang linya. Mas lalo tuloy akong naguluhan. Saan naman kami pupunta ng ganitong araw? Anong meron?
Kagaya ng sinabi ni Tristan, literal na pumunta nga sila dito ni Uncle. Mabuti nalang at tapos na ako magbihis at ready nalang umalis. Mabuti nalang pala at naligo na nga ako. Kung hindi, for sure hindi ako sasama sa kanila. Ayokong umaalis ng bahay ng hindi pa naliligo man lang.
"Alis na tayo Uncle." Bagot na sabi ko dahil kanina pa iniisa-isa ni Uncle ang bawat sulok ng apartment ko. Uh, wag nilang sabihin na ito ang pupuntahan namin? Ano bang trip ni Uncle?
"Maayos naman pala 'yung ibinigay ni Chairman, noh? Tara na." Nakangiting sabi niya at nauna ng maglakad papunta sa sasakyan. Napakunot pa ang noo ko nang makita si Doc Meisha na kasalukuyang nakatingin sa amin habang umiinom ng kape. Binalewala ko nalang siya at sumakay na rin sa sasakyan.
"Saan tayo pupunta?" Takang tanong ko sa kanila. Ngumiti naman ng tipid sakin si Uncle na ikinakunot ng noo ko. Parang hindi ko gusto ang mangyayari sa araw na 'to.
"Surprise 'yun. Manahimik ka nalang diyan." Sabi niya na ikinairap ko at dinampot nalang ang phone ko. Maya maya pa ay inis na akong nag-angat kay Tristan dahil kanina pa siya nakatingin sakin. Akala ko ay saglit niya lang gagawin 'yun pero ilang minuto na ang lumipas.
"Ano bang problema mo?" Kunot noong tanong ko. Pati tuloy si Uncle ay napalingon na sa amin.
"Anong sabi sayo ni Zayden?" Talagang siningkitan niya pa ako ng mata. Parang dalawa ang tatay ko sa mga oras na 'to.
"Wala nga lang 'yun, ang kulit mo."
"Baka lang kasi nakakalimutan mo na ikakasal na ang taong 'yun. Sinasabihan lang ulit kita." Seryoso niyang sabi at umiwas na ng tingin sa akin. Napabuntong-hininga naman ako at tumingin nalang din sa labas. Alam ko naman na may nararamdaman na ako kay Zayden. Hindi ako tanga para ideny pa 'yun. Alam ko ang ibig sabihin ng pagbilis ng tibok ng puso ko kapag malapit siya. Alam ko kung bakit komportable ako sa kaniya. Lahat alam ko pati na rin 'yung kaalaman na hindi kami pwede.
"Alam ko ang limit ko, Tristan. Hindi ko ibababa ang sarili ko sa ganong bagay."
"Alam mo nga ba talaga?" Taas kilay na tanong niya sakin. "Mas kilala kita Rakki. Kapag gusto mo ang isang bagay, gagawan mo ng paraan 'yun."
"Bakit ba hindi mo nalang ako pabayaan?" Inis na sabi ko sa kaniya na ikinatahimik niya.
"Nag-aalala lang sayo si Tristan, Rakki. Ayaw niya lang na masaktan ka." Sabat ni Uncle na sabay naming ikinatahimik ni Tristan. Nahiya ako bigla kay Uncle. Sa harapan pa talaga niya kami nagtalo ng ganito ni Tristan dahil sa isang lalaki.
BINABASA MO ANG
When Fighters Fall In Love
ActionBecause of what happened years ago, Ayesha Rakki wanted to return to the Philippines for a revenge. But she must be a doctor in order to do so while searching for those people. And while doing so, she will meet a man named Zayden Sebastian Farrell...