Chapter 52

2.2K 85 0
                                    

This is the updated version of Chapter 52. However, I'll update it once more if I encounter any problem or issues. Thank you for your understanding!


Updated: January 22, 2022


Tristan Keith's POV


Muli kong tiningnan yung tracker na nakalagay sa cellphone ni Rakki at nang masiguro ko na nasa kwarto pa rin 'yun ay nagpatuloy na ako sa paglalaro. Inutusan kasi ako ni Uncle na bantayan 'yun dahil sigurado kaming aalis si Rakki at gagawa ng paraan para mapuntahan si Uncle Greg. Tss. Hindi din ako makapaniwala sa sinabi ni Rakki. Nagulat nalang din kasi ako nang tutukan niya ng baril si Uncle Greg. Tss. Mabangis ang isang 'yun. Pero kasi..... si Rakki 'yun, eh. Hindi naman basta-basta kikilos 'yun ng walang nalalaman. Kilala ko na ang isang yun. Kaya nakokonsensiya ako. Pakiramdam ko ay tama siya pero isa ako sa hindi naniwala. Natakot din kasi akong makialam nung nagtatalo na sila ni Uncle Sean. Iyak na iyak pa nun si Rakki. Hindi ko makalimutan.


"Tristan! Magbihis ka! May pupuntahan tayo!" Biglang sabi ni Uncle Sean kaya napalingon ako sa kaniya na ngayon ay nasa pintuan ng kwarto ko. Kahit naguguluhan, dumampot pa rin ako ng jacket sa closet ko. Putcha, wala na naman akong maintindihan sa nangyayari.


"Saan tayo pupunta? Nandito si Rakki. Iiwan natin siya?" Sabi ko kaya agad akong nakatanggap ng masamang tingin mula sa kaniya. Kunot-noo ko siyang sinundan nang pumasok siya sa kwarto ni Rakki na ngayon ay wala ng tao!


"Nandito si Rakki? Wala si Rakki dito dahil umalis siya. Tss. Bilisan mo! May kailangan tayong puntahan." Nagmamadaling sabi niya at nauna ng maglakad. Hindi ako makapaniwala! 'Yung binabantayan ko pala ay wala! Badtrip! Akala ko ay matalino na ako! Mas matalino pala si Rakki talaga! Akala ko kasi hindi siya makakaalis ng walang dalang cellphone! Nagkamali naman pala ako!


Taka akong tumingin sa mansyon nila Uncle Archie nang tumigil doon ang sasakyan namin. Nagmamadali namang pumasok si Uncle doon kaya sumunod na ako. Putcha! 3am na ng umaga at kumpleto pa sila dito! Nandito rin ang mga Farrell at ang mga Adisson bukod kay Uncle Greg at kay Tita Neza. Nakakagulat naman 'to! Hindi ko inakala na early bird pala ang mga tao dito!


Gusto ko pa sanang asarin si Knight na ngayon ay nandito rin nang makuha na ng atensyon ko si Meisha na umiiyak habang katabi si Tita Missy. Gulat akong napatingin sa itsura niya. Bahagya pang namumula 'yung braso niya at panga niya. Tapos puro dumi pa siya. Saan ba siya pumunta ng ganitong oras?


"What exactly happened, iha?" Tanong ni Uncle Archie sa umiiyak na si Meisha. Nakakaawa siya. Naawa ako sa kaniya. Nadapa ba 'to?


"Nakatanggap po ako ng text mula kay Uncle Greg at sinabi niya sa akin na tulungan ko daw po si Tita Neza dahil sumasakit 'yung tiyan niya..... kaya nagmadali po akong pumunta doon. Pero..... nagulat ako nang makita si Tita Neza na nakatali. And the next thing I knew.... nakatali na rin ho ako."


"W-what?" Hindi makapaniwalang tanong ni Tita Missy. Naiinis pa rin ako sa kaniya.


"Sinabi niya sa akin na siya ang totoo kong ama. Pinatapon niya daw ako sa ampunan para mapunta ako sa inyo Dad..... at nagtagumpay naman siya doon." Hala? Ampon lang si Meisha? Edi, hindi sila magkapatid ni Rakki? Hala? "Galit siya sa inyo Dad.... galit na galit siya. Parang hindi na siya si Uncle Greg. Sobrang dami po niyang kasama na lalaking may baril. Balak niya pa nga po kaming isama ni Tita Neza sa pupuntahan niya pero agad na dumating si Rakki para iligtas kami." Sabi nito na agad kong ikinalingon. Pati si Uncle na nakatulala ay napatingin na rin kay Meisha sa sinabi niyang 'yun.


When Fighters Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon