Chapter 19

2.6K 94 1
                                    

This is the updated version of Chapter 19. However, I'll update it once more if I encounter any problem or issues. Thank you for your understanding!


Updated: January 07, 2022


Ayesha Rakki's POV


"Good evening po." Bati ko na ikinangiti niya. Nagulat pa ako ng yakapin niya ako na kahit si Zayden ay nagulat doon pero agad ring napaiwas ng tingin. Nakakahiya naman 'to. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat na maramdaman ko.


"Call me, Tita Klare." Sabi niya na tinanguan ko nalang dahil hindi ko rin naman alam kung ano ang sasabihin. "Do you like my flowers?"


"Yes, Tita." Nakangiti kong sabi. So, siya pala ang nag-aalalaga nito. "Actually po, I have my own shop in Paris. I'm selling flowers po. Specially in weddings."


"Oh my god. Really?" Namamanghang tanong niya. I have my own shop of flowers in Paris. Meron din akong shop malapit sa Eiffel tower.


"Yes po."


"Wow! Magkakasundo pala tayo. You should visit my shop if you have an available time. I will give you some flowers." Nakangiting sabi nito sakin na ikinalingon ko kaagad.


"Really, Tita Klare?" Hindi makapaniwalang tanong ko.


"Yes, iha. I will give you anything you want. Oh wait, I need to answer this call. For now, pick anything you want here."


"Yes, Tita. Thank you po." Excited na sabi ko at tumingin na kay Zayden na pinapanood pa ata ako kanina pa. "Hoy, okay ka lang?" Natatawa kong tanong sa kaniya kasi hindi na ata siya humihinga sa pwesto niya. Ano bang nakakagulat sa ginawa ko? Wala naman bukod sa matuwa sa mommy niya.


"I'm sorry. She really wanted to meet you." Nahihiyang sabi niya na ikinakunot ng noo ko.


"Really? Why?"


"Because of chairman. Pinagmamayabang ka niya kila Mommy. You know him. He's just so proud of you." And I know that. Thankful din talaga ako kay chairman because he trust me. I can't even trust myself anymore. "What's your favorite flower, Ayesha?" Tanong niya na ikinangiti ko kaagad. Thinking of that flower, makes me happy. Ang refreshing lang sa mind.


"Gladiolus." Sagot ko na ikinakunot ng noo niya.


"Bakit 'yun?"


"Simply because gladiolus symbolizes strength of character." Diretsong sagot ko na bahagya niyang ikinangiti. Namangha din ako nung nalaman ko ang ibig sabihin ng bulaklak na 'yun. That flower just remind me of.... me. "How about you? What's your favorite flower?" Tanong ko naman sa kaniya. Bahagya naman siyang napaisip kaya hindi ko maiwasang mapatitig sa kaniya. Ang gwapo niyang mag-isip.


"I like Aster." Nakangiti niyang sabi habang nakatingin sakin. Napataas naman agad ang kilay ko.


"Why is that?"


"Because it symbolizes patience. And it is also indicative of a love of variety." Wow. That's deep. "Why are you smiling?" Natatawa niyang tanong nang makita ang reaksiyon ko sa sinabi niya.


"Hindi ko lang kasi akalain na alam mo pala 'yung tungkol sa ganiyan. I mean, the typical Zayden that I know? Akala ko ay sasabihin mo ay rose kasi 'yung rose symbolizes love. Hindi ko inakala na mas malalim pa 'yung sasabihin mo. I'm surprised, Doc." Natatawa kong sabi na ikinailing niya na rin.


When Fighters Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon