This is the updated version of Chapter 48. However, I'll update it once more if I encounter any problem or issues. Thank you for your understanding!
Updated: January 20, 2022
Ayesha Rakki's POV
"Okay ka lang ba, Doc Rakki? Ako na ang tatapos dito." Sabi ni Doc Noah na ikinalingon ko. Nandito nga pala kami sa operating room. Natulala na ako. Mabuti nalang at hindi pa kami nagsisimula. Nakakahiya naman kapag nagkamali pa ako dito.
"Sorry. Anong gagawin ko?" Tanong ko sa kaniya. Napailing naman siya at sinabi ulit kung anong gagawin ko. Assistant doctor lang kasi ako ngayon. Hindi ko alam kung ilang oras kaming nanatili ni Doc Noah doon sa operating room. Ang alam ko lang ay nang makalabas kami ay sumisikat na ang araw dahil may isa pa kaming inaral na sakit. Nakalimutan ko na rin kumain ng dinner kaya baka isasabay ko nalang ngayong umaga 'yun.
"Sa wakas! Natapos din!" Humihikab na sabi ni Doc Noah na bahagya kong ikinatawa. Nakuha ko pa talaga matawa sa naranasan ko kagabi.
"Hindi ka ba nagsasawa? Kapag may operation ay tayong dalawa ang palaging magkasama. Parang sinasadya."
"Hindi. Kapag ikaw ang kasama ko sa operation ay wala ako masyadong ginagawa. Ayaw mo na ba akong kasama? Sabihan ko na ba si Doc Zayden?" Pang-aasar niya na ikinangiti ko. "Hindi ko alam na boyfriend mo na pala 'yun. Psh! Kaya naman pala ganon nalang ang tingin sa akin kapag nakikitang magkasama tayo. Pero..... kahit gusto kita ay hindi ako nasaktan doon sa nalaman ko. Masaya ako para sayo." Nakangising sabi niya sa akin na agad ikinataas ng kilay ko. Masaya akong marinig sa kaniya 'yun pero parang mas gusto kong mang-asar.
"Baka kaya hindi ka nasaktan ay dahil hindi naman talaga ako 'yung gusto mo." Pagbibiro ko na bahagya niyang ikinatigil. Tss. Huli ka. Ang denial naman kasi nito. Halata na nga hindi pa umamin. "Mauna na ako." Tinapik ko pa siya sa balikat niya at dumiretso na sa office ko.
Nagulat ako nang matagpuan si Tristan na bahagyang natutulog sa couch ko. Napatingin tuloy ako sa orasan at nakitang umaga na talaga. 7am. Napabuntong-hininga ako at lumapit sa kaniya. Malamang sa malamang ay hinintay ako ng isang 'to dahil nag-aalala siya sa akin. Halata naman kasi sa mga tinginan niya sa akin kagabi.
"Tristan." Panggigising ko sa kaniya.
"Hmm?" Inaantok niyang tanong sa akin. Nakapikit pa ang isang mata.
"Uuwi na tayo." Mahina kong sabi habang tinatanggal ang coat ko. Pinanood niya pa akong gawin 'yun bago tuluyang umupo sa couch.
"Tapos na kayo?" Parang bata na tanong niya sa akin na ikinatango ko. Kawawa naman ang isang 'to. Wala pa naman akong kumot dito sa office ko. "Akala ko ay dalawang araw na akong mananatili dito dahil sa paghihintay sayo. Tara na. Baka hanggang ngayon ay naghihintay si Uncle doon. Kawawa naman." Natatawa niyang kwento na ikinatawa ko na rin.
Paano ko iiwan ang dalawang 'to kung sila nalang 'yung taong tatanggap sa kung sino talaga ako? Sila 'yung umiintindi sa akin sa tuwing hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko. Para tuloy naging maliwanag ang lahat sa akin. Bakit pa ako naghangad ng magulang kung meron naman akong Uncle Sean at Tristan? Masaya na ako sa kanila pero may kirot pa rin sa dibdib ko sa tuwing naalala ang itsura ni Tita Missy kagabi nang malaman niya na ako ang anak niya.
Nagpaalam lang ako saglit kay chairman na hindi ako papasok ngayon na agad niya namang pinayagan. Hindi ko rin inakala. Madami pa namang pasyente ngayon pero hinayaan niya ako. Siguro ay alam niya na rin ang nararamdaman ko ngayon. Ang bigat. Ang bigat-bigat.
BINABASA MO ANG
When Fighters Fall In Love
ActionBecause of what happened years ago, Ayesha Rakki wanted to return to the Philippines for a revenge. But she must be a doctor in order to do so while searching for those people. And while doing so, she will meet a man named Zayden Sebastian Farrell...
