Chapter 12

3.4K 83 0
                                        

Ayesha Rakki's POV


Nanatili akong nakatingin ng diretso sa kaniya dahil sa sinabi niya. Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko.


"Now, are we good?" Nakakainis siya.


Kung wala lang kami dito sa hallway ay baka nasuntok ko na siya. Pero dahil may mga taong napapatingin sa amin, kailangan kong pigilan ang sarili ko.


"No." Nakangiwi kong sabi at bahagyang lumayo sa kaniya. Kailangan ko na umalis.


"Let's have dinner together."


"No." Sagot ko pero natawa nalang siya. Ang weird.


Inasikaso ko lang ang ilang documents sa office ko at nag-out na dahil late na rin naman. Mabilis lang ako ngayon dahil dire-diretso ang duty ko for the past few days.


Naka-half day din ako tomorrow dahil gusto kong mamili ng pagkain sa hotel at sa apartment ko. Wala kasi talagang laman aside sa mga beer ni Tristan. Hindi ko naman siya magawang pagalitan nung mga nakaraang araw dahil nga hindi niya ako kinakausap. Ang tagal ng galit niya sakin ngayon. Hindi ako makapaniwala.


"Doc!" Nakangiting tawag sakin ni Cade na nakakuha ng atensiyon ko.


"Hi, yes?"


"Sasama po kayo sa amin?" Napakunot agad ang noo ko. Pero nang marealize na may inuman ang mga nurses, napailing ako. Naging coping mechanism na nila ang drinking after dire-diretsong duty. I can't blame them. Ang bigat naman kasi sa hospital.


"Hindi na. Kailangan ko rin umuwi agad. Mag-ingat kayo ha." Nakangiti kong sabi sa kaniya pero nang mapansin na hindi siya umaalis sa pwesto niya at tinaasan ko na siya ng kilay. "May gusto ka pa bang sabihin?"


"Pwede niyo po ba akong turuan humawak ng baril?"


"Huh?" Hindi makapaniwala kong tanong kahit narinig ko naman ng maayos ang sinabi niya.


"Ang galing niyo po kasi Doc."


"You have to be responsible enough to know how to use gun. At ayokong magkaron ka ng responsibilidad doon. Sige na. Mag-ingat kayo." Kumakaway na sabi ko na ikinatango niya nalang.


Pulling a trigger isn't some simple act—it carries a weight that settles deep into your bones. A gun demands more than steady hands, it demands accountability for every consequence that follows. I've stood in that place before, felt the gravity of it pressing down on me.


Hindi na ako nagpasundo kay Kuya June dahil binabantayan niya si Isshi na hanggang ngayon ay hindi pa rin gumigising kaya ako nalang ang nagdrive mag-isa. Dumaan na rin ako sa mini grocery store para bumili ng ulam. Magluluto nalang ako.


Papunta na ako sa room ko nang matanaw ko si Doc Zayden at Doc Meisha na mukhang nag-uusap sa labas. At ang nakakainis pa, makikita nila ako kapag naglakad ako dahil nakaharang sila sa daraanan ko.


Kaya ang ending, umupo muna ako sa gutter ng parking at hinintay sila matapos. Ako talaga ang nag-adjust at nakakahiya naman sa kanila.


Mabuti nalang pala talaga at good mood ako. Dahil kung hindi, malamang sa malamang umiinit na ang ulo ko dahil malamig ang klima tapos pinaghihintay pa ako dito. Napapabuntong-hininga ako habang nakaupo. Ang tagal naman nila. Badtrip.


Kinuha ko muna ang cellphone ko at binuksan ang instagram ko. Puro mention lang naman ni Tristan ang nandoon. Finollow ko na rin sila Dale dahil ngayon lang talaga ako nagbukas ng account dito. Napamaang pa ako nang makitang nagrequest din si Doc Zayden sakin at yung kaibigan niya na si Knight na finollow back ko na rin. Wala naman kasing kaso sa akin dahil hindi naman ako masiyadong gumagamit ng app na 'to.


When Fighters Fall In LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon