This is the updated version of Chapter 36. However, I'll update it once more if I encounter any problem or issues. Thank you for your understanding!
Updated: January 17, 2022
Ayesha Rakki's POV
Hindi ako makapaniwala sa narinig at nasaksihan ko. Anong ibig sabihin nun? Dati bang kasintahan ni Uncle 'to?
"Uhm excuse, dadaan po ako." Natural na sabi ko na ikinalingon niya. Namangha ako sa ganda niya. Ang ganda niya kasi talaga. Ang amo ng mukha. Parang hindi kayang humawak man lang ng baril or hindi man lang makabasag ng pinggan.
"Pasensya na po, Doc." Sabi niya sakin kaya napatigil ako sa akmang pagpasok at tumingin sa kaniya.
"Kaano-ano mo ang Uncle Sean ko?" Diretso kong tanong na ikinaangat ng tingin niya at gulat pa akong tiningnan. Hindi makapaniwala na nasa harapan niya ako.
"I-ikaw ba si Rakki?" Tanong niya na agad kong tinanguan. Nang mapansin niya na naghihintay ako ng sagot sa tanong ko ay napabuntong hininga siya at tiningnan ako ng diretso sa mata. As in, tumingin siya sa akin na kahit ako ay nailang doon. "Mabuti pa ay pumasok ka na sa loob. Kanina ka pa hinihintay ng Uncle mo." Sabi niya na ikinakibit-balikat ko. Mukhang ayaw niya naman sabihin kaya hindi ko na siya pipilitin.
Pumasok na ako sa loob at naabutan ko ang mga Adisson at ang mga Farrell. Ang mga magulang ni Meisha, mga magulang ni Zayden at si Uncle Greg at 'yung isang babae na sa tingin ko ay nanay ni Knight. Anong meron? Reunion ng Adisson? Hindi pa naman maganda ang dugo ko sa mga taong 'to.
"Hello, Ayesha." Nakangiting salubong ni Tita Klare na bumeso pa sa akin. Bahagya naman akong napatingin doon sa babae na kausap ni Uncle kanina na pasimpleng lumapit kay Uncle Greg. Napansin ko pang sinundan ito ng tingin ni Uncle Sean. Pfft, naiintriga talaga ako.
"Nag-alala ng malala si Sean nang mabalitaan na nawawala ka. Halos hindi makatulog o makakilos ng maayos ang isang 'yan." Natatawang sabi ni Uncle Archie kay Tristan na bahagya lang natawa at napailing pa. Alalang-alala kasi talaga si Uncle. Hindi man halata pero alam ko 'yun. Alam kong may special treatment si Uncle kay Tristan pero hindi naman ako nagagalit doon. Merong parte sa akin na nagsasabi na... he deserved those things.
Saglit pa silang nag-usap usap dito sa loob. Pinagmamasdan ko din lahat ng Adisson dahil kailangan kong makasigurado. Alam kong masama 'yung iniisip ko kasi nagbibintang ako pero hangga't alam kong may kinalaman ang Adisson, hindi ako magtitiwala sa kahit sino sa kanila. Hinding-hindi ako magtitiwala ulit.
Nang kami nalang tatlo ang natira nila Uncle dahil umuwi na 'yung mga bisita ay pasimple kong itinanong kay Uncle ang kanina ko pa gustong itanong. Nangangati na ang bibig ko. Nahawa na ata ako sa kadaldalan ni Tristan.
"Uncle, 'yung asawa ni Uncle Greg. Kaano-ano mo?" Kunwaring tanong ko na bahagyang ikinalingon ni Tristan. Sinenyasan ko pa siya na manahimik dahil gusto ko talagang malaman. Naguguluhan siya pero malalaman din naman niya 'yun.
"Kailan ka pa natutong makinig sa usapan ng may usapan?" Mapangloko niyang tanong na bahagya kong ikinatawa.
"Ano nga, Uncle? Tell me." Pamimilit ko. Aba hindi ako patatahimikin ng kuryosidad ko kaya kailangan ko na agad malaman. Bago naman kasi lahat sakin 'to. Si Uncle? Nakipag-usap sa babae? Parang imposible naman 'yun.
"Ex ko 'yun." Panimula niya na bahagyang ikinagulat ni Tristan. Hindi naman kasi talaga nagkukwento tungkol sa buhay niya 'yan si Uncle. Hindi nga namin alam na may ex pala siya, eh. Hindi pa namin malalaman kung hindi ko makikita kanina. "Siya 'yung kauna-unahan kong girlfriend at balak pakasalan. Pero ikinasal kasi sila ni.... Greg. Tapos nabalitaan ko nalang na nagdadalang tao na siya. Pagkatapos nun ay wala na akong balita sa kaniya, lumayo na rin kasi ako." Sabi nito na ikinatahimik namin. Nakaramdam ako ng awa. Hindi din madali 'yun. Yes, aaminin ko. Hindi pa naman ako nagkakaroon ng relationship. Hindi ako nagfocus sa lovelife ko. Pero kung iisipin, sobrang sakit talaga para kay Uncle 'yung nangyari. Halata kasing hanggang ngayon eh hindi niya pa nakakalimutan 'yung nangyari.
BINABASA MO ANG
When Fighters Fall In Love
ActionBecause of what happened years ago, Ayesha Rakki wanted to return to the Philippines for a revenge. But she must be a doctor in order to do so while searching for those people. And while doing so, she will meet a man named Zayden Sebastian Farrell...
