This is the updated version of Chapter 5. However, I'll update it once more if I encounter any problem or issues. Thank you for your understanding!
Updated: January 04, 2022
Ayesha Rakki's POV
Pinanood ko sila Cade na lumapit doon sa mga bata para sana pigilan ito pero agad din silang binato nito ng nadampot na libro. Muntik pa akong matamaan pero pinagmasdan ko nalang 'yung bata. She's stress. Siguro ay natatakot siya sa lugar na 'to because she's alone. Wala akong nakikitang guardian niya dito.
"Ano ba! Ayoko ngang kumain! Pabayaan niyo na ako!"
"Let her be." Sabi ni Doc Zayden na nakapagpatigil sa amin. Kahit ako ay napalingon sa sinabi niyang 'yun.
"What did you just say?" Hindi makapaniwalang tanong ko dahil parang may mali sa sinabi niya. Gusto kong magreklamo pero nang tumingin siya sakin, nawala ang lakas ng loob ko.
"I said, let her be. Magugutom din 'yan. Hayaan nalang muna natin." Sabi nito at tumalikod na. Naiwan kaming nakanganga lahat sa sinabi niya. Natauhan lang ata kami nang tumakbo pasunod 'yung Doc Meisha para sundan si Doc Zayden. Kanino bang pasyente 'to? Kukunin ko 'to.
"A-ano daw?" Nagugulat pa rin na tanong ni Dale.
"Hayaan na daw muna. Tara." Naiilang na sabi ni Shane at naglakad na rin paalis kasama ang iba pa. Pero ako, nanatili ako dito at pinagmasdan ang mga gamit na nasa sahig. Sumandal na rin ako sa pader habang nag-iisip ng gagawin para sa batang ito.
"Hindi ba sinabi na umalis na kayo? Anong ginagawa mo dito?" Masungit na tanong niya sakin kaya napatingin ako sa kaniya. Isa sa pagiging doctor ang pagkakaroon ng mahabang pasensya. Kung mainitin ang ulo mo, hindi ka pwedeng humarap sa maraming tao.
"Anong pangalan mo?" Diretsong tanong ko sa kaniya. Hindi pa rin umaalis sa pagkakatayo ko doon.
"Iwan mo na rin ako." Sabi nito at tinalikuran na ako. Napangiwi naman ako at dahan-dahan na lumapit matapos madampot ang balat ng chocolate.
"Anong gusto mo?" Simpleng tanong lang ang sinabi ko pero naiyak na siya. Kahit ako napatigil nang marinig ang paghagulhol niya. Ilang minuto ata siyang ganon bago siya dahan-dahan na tumingin sakin. Naghila naman ako ng upuan at umupo doon para mas mapalapit sa kaniya.
"Alam mo bang sa lahat ng tao dito ikaw lang ang nagtanong kung ano ang gusto ko?" Naiiyak na sabi niya sakin. Napangiti ako nang makita ang muling pagtulo ng mga luha niya. Naalala ko sa kaniya ang sarili ko. Ganito din ako, eh. Ayokong malaman ng ibang tao ang nararamdaman ko kaya ginagamit ko ang pagiging mainitin ng ulo ko para umiwas sila sakin. I'm pushing people away even though I need them. And just like this child, kailangan niya lang ng taong makakaintindi sa kaniya sa mga panahon na kahit siya, hindi niya na rin maintindihan ang sarili niya.
"Dahil kailangan mo kumain. You have more things to. You're still a child."
"Ayoko ng pagkain dito." Diretsong sagot niya sakin.
"Pero kailangan mo 'yun."
"Ayoko." Pagmamatigas niya talaga na ikinabuntong hininga ko.
"Okay, ganito. Kakain ka ng pagkain dito. Tapos sabihin mo sakin kung anong gusto mo dadalhan kita nun." Natural na sabi ko at hinintay ang magiging reaksiyon niya. Bahagya pa akong natawa nang makitang gulat na gulat siya sa sinabi ko.

BINABASA MO ANG
When Fighters Fall In Love
ActionBecause of what happened years ago, Ayesha Rakki wanted to return to the Philippines for a revenge. But she must be a doctor in order to do so while searching for those people. And while doing so, she will meet a man named Zayden Sebastian Farrell...