Chapter 17

3.1K 88 0
                                        

Ayesha Rakki's POV


"Out ka na, Doc?" Tanong ni Cade sakin nang makita niya akong dala-dala na ang bag ko.


"Oo. Sa hotel ako matutulog ngayon."


"Ingat kayo, Doc." Nakangiti nitong sabi na ikinangiti ko na rin at bahagya pang kumaway sa kaniya bago pumunta sa parking lot.


Natural lang naman akong naglalakad doon nang maramdaman kong may sumusunod sakin.


Ibinalik ko na sa jacket ko ang cellphone ko at bahagyang inilabas doon ang kunai nang mapunta ako sa pintuan ng sasakyan ko. Hindi pa rin siya kumikilos kaya hinintay ko na talagang lumapit sakin.


Ramdam ko kaagad ang akmang paghawak niya sa likuran ko kaya hindi na ako nagdalawang isip na kunin ang braso niya at patalikod siyang isandal sa sasakyan ko habang nakatutok sa kaniya ang kunai.


"Aray, Rakki!" Sigaw nito na ikinagulat ko pa dahil kilala ko siya. Dali-dali kong ibinalik sa jacket ko ang kunai at pinakawalan siya na naubo pa.


"Knight? Anong ginagawa mo dito????" Akala ko ay umalis na siya. Gabi na ngayon kaya nakakapagtaka na nandito pa siya.


Uh 'wag niya sabihin na tumambay siya sa opisina ni Zayden ng ganito katagal?


"Sasabay sana ako sayo palabas pero ayoko na dahil parang may galit ka sakin. Ang sakit nun ha."


"Kasi naman sana sinabi mo nalang agad o kaya tinawag mo ako. Hindi yung sumunod ka pa sakin na parang criminal. I have to protect myself." Inis na sabi ko sa kaniya kasi tama naman ako. Malay ko ba kung sino ang sumusunod sakin??? Ang dami ko pa namang kaaway.


"Okay, valid reason."


"Tss. Saan ka ba pupunta?"


"Sa condo ko. Uuwi na ako dahil nakakatamad kausap si Zayden. Paano niyo ba nagugustuhan ang isang yun?" Kunot noong tanong nito at pinindot ang susi na hawak ko kaya nabuksan ang pintuan nun.


Hindi din naman siya nagdalawang isip at pumasok na agad. Napailing nalang ako at umikot papunta sa driver seat.


See? He's really different when he's with Meisha.


"For your information, I don't like your friend."


"I doubt that. Everyone likes him."


"I'n not one of those people—I don't like your friend, and I have no intention of ever liking him." Ayoko na magdagdag ng panibagong tao sa buhay ko.


Iniisip ko pa nga lang na mahihirapan akong mag-let go kila Zelle after my business here, idadagdag ko pa ba sila Zayden?


"Hmm. Sayang naman." Buntong-hininga niyang sabi.


"What do you mean?"


"I don't like him with my cousin. He can do better."


"Wait—pinsan mo si Doc Meisha?" Nagugulat na tanong ko na ikinatango niya agad.


"Yes. Hindi halata noh? Ang bait ko kasi."


"Hindi yun ang ibig kong sabihin." Kung magpinsan pala sila, bakit ayaw niya sa pinsan niya??


"Bakit ba kasi kay Meisha pa? Ang dami dami namang babae diyan." Reklamo niya sakin na parang may maitutulong naman ako.


When Fighters Fall In LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon