This is the updated version of Chapter 18. However, I'll update it once more if I encounter any problem or issues. Thank you for your understanding!
Updated: January 07, 2022
Ayesha Rakki's POV
Napatingin ako sa kabuuan ko at napabuntong hininga agad dahil pinilit ako ni Uncle na suotin 'to. Hindi ba pwedeng magpants nalang ako doon? Dinner lang naman, eh. Bakit kailangan nakaformal pa? Tss. Ayos lang naman sakin na nakasuot ng ganito dahil ang dami ko nang napuntahan na party. Pero sa sitwasyon ngayon, parang wala ako sa mood na magsuot ng ganito.
"Tara na, Rak——Wow! Ikaw ba 'yan?" Natatawang sabi ni Tristan nang makita niya ako kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin. Ilang beses na niya akong nakikitang magdress pero palagi siyang nagugulat. Mukhang tanga. Nakasuot kasi ako ng fitted na dress na black. Mahaba 'yun pero kitang-kita ang likuran ko. Tube pa siya. Si Uncle ang namili nito dahil hindi naman ako pumipili ng ganitong mga damit.
"Tantanan mo nga ako. Nasan si Uncle?" Hindi ko kasi siya nakita nang lumabas ako ng kwarto ko. Dala-dala ko na rin ang pouch ko. Lalagyanan ng cellphone. Hindi ako nagdala ng pera dahil hindi ko naman magagamit 'yun. Kahit cards ay wala akong dala.
"I'm here." Napatingin kami ni Tristan kay Uncle na kakalabas lang din ng room niya at agad nag-angat ng tingin sakin. "Wow! Ang ganda mo talaga sa dress! Next time bibili ulit ako ng ganiyan or magpagawa nalang tayo? Hmm. May dress akong nakita sa dior last time, eh." Excited niyang sabi na agad kong sinamaan ng tingin. Parehong-pareho talaga sila ni Tristan magreact palagi.
"Don't you dare, Uncle. Halos hindi ko na maisuot ang mga damit ko. And please, I have my own damn money to buy those things. Hindi na sakop 'yun ng pera mo." Seryosong sabi ko na ikinatawa niya. Nauna pa siyang maglakad papunta sa elevator kaya sumunod kami ni Tristan doon kasama ang ilang body guards.
"Why? You looked so beautiful with that kind of dress. Tsaka, ano ba kayo! Si Tristan nga hindi nagrereklamo kapag ginagastusan ko. Nag-iisa ka lang talaga."
"Eh, malamang! Pabor sa kaniya 'yun."
"Tss. Basta. Bibili ulit ako dahil ang ganda mo diyan. Diba, Tristan?" Tanong nito sa nakangising si Tristan.
"Yup. Dagdag sa cards ko 'yun, ah." Sabay namin siyang sinamaan ni Uncle dahil sa sinabi niya. Wala talagang magandang sinasabi ang isang 'to.
Sumakay na kami sa sasakyan ni Tristan kasama ang mga body guards na nasa likuran namin bitbit ang kani-kanilang mga sasakyan. Dalawang sasakyan na itim ang nakasunod sa amin para daw protektado kami. Wala namang bago doon. Tss.
"Nakausap mo na ba si Trisha, Ayesha?" Biglang tanong ni Uncle kaya napalingon ako sa kaniya na busy pa ata sa binabasang proposal. Sino ba kasi ang nagsabi sa kaniya na pumunta dito sa Pilipinas? Wala naman.
"Yes. Sinabi niya sakin kung ano ang ginawa mo sa mga board members. Really Uncle? Bakit kailangan mo pang sabihin 'yun? They are not kids." Naiiling kong sabi na ikinatawa ni Tristan na kasalukuyang nagdadrive. Nakaupo ako sa shot gun seat samantalang si Uncle ay nasa back seat.
"Alam mo naman na takot sayo 'yung mga 'yun. Para hindi lang gumawa ng mali. Hayaan mo na." Natatawa niya ring sabi. Hindi ko alam kung bakit takot na takot sakin ang mga tao sa Paris. Hindi naman ako pumapatay ng mga taong walang kasalanan sakin. Tss. Halata mo talaga kung sino ang guilty, eh.
BINABASA MO ANG
When Fighters Fall In Love
AksiBecause of what happened years ago, Ayesha Rakki wanted to return to the Philippines for a revenge. But she must be a doctor in order to do so while searching for those people. And while doing so, she will meet a man named Zayden Sebastian Farrell...