Chapter 22

2.5K 86 0
                                    

This is the updated version of Chapter 22. However, I'll update it once more if I encounter any problem or issues. Thank you for your understanding!


Updated: January 10, 2022


Ayesha Rakki's POV


Nanatili akong nakatingin sa kaniya dahil sa sinabi niya. Hindi ko na naman tuloy alam kung ano ba ang dapat sabihin sa sinabi niya. May dapat ba akong sabihin o balewalain ko nalang? Ang gulo kasi niya. Ginugulo niya ako!


"Doc Zayden, may sasabihin daw po sayo si Dale." Natatawang sabi ni Zelle kaya napaiwas agad ako ng tingin at uminom ng alak. Nahiya ako bigla sa mga kasama namin sa hindi ko malaman na dahilan.


"What is that?" Tanong ng katabi ko at bahagya pa akong tiningnan. Bahala na siya dyan.


"Magcoconfess daw sya." Natatawang sabi ni Knight sa kaibigan kaya agad siyang sinamaan ng tingin nito. Gusto ko rin matawa kasi nung sinabi ni Knight 'yun ay mas lalong napakunot ang noo ni Zayden hindi na natutuwa sa nangyayari. Pfft.


"Sa akin? Really?"


"Malamang. Gusto mo ba kay Doc Rakki? Bakla si Dale, pare." Nakangiwing sabi ni Knight sa kaniya na ikinatawa ko na rin. Gusto kong humalakhak kaso mas lamang ang antok sakin sa mga oras na 'to.


"Tss. Hindi na ako pwede." Natural na sabi ni Zayden na ikinatahimik ng buong lamesa namin. Bukod sa aming may mga alam na ikakasal na siya, hindi ko alam kung bakit nanahimik din ang iba. Alam kaya nila?


"Okay lang, Doc! Idol ko naman po kayo ni Doc Meisha, eh." Nakangiting sabi ni Dale na ikinalingon namin. Sabagay. Wala naman kasi talaga silang ililink kay Doc Zayden kundi si Meisha. They are getting married. Dapat lang siguro na sinabi ni Zayden 'yun.


"Oh, kay Tristan naman Dale." Sabi ni Zelle na ikinatawa ko. Akala ko ba tapos na kay Tristan? Pfft.


"Ako na naman. Uuwi na nga ako, putcha." Inis na sabi ni Tristan at sinamaan pa ng tingin si Zelle na tinaasan lang siya ng kilay.


"Ayoko na diyan kay Tristan. May gusto 'yan kay Zelle, eh." Lihim akong napangisi sa sinabi ni Dale dahil napansin ko kaagad na nailang 'yung dalawa. Hindi pa nga kami nagtatanong, guilty na sila. "Kay Knight nalang ako." Muntik ko ng maidura ang iniinom ko nang sabihin ni Dale 'yun. Kahit si Knight na tumatawa lang kanina, ngayon ay nauubo na. Hindi din inaasahan na siya ang susunod.


"Hoy, wag ako! Kay Cade ka nalang!" Bugaw niya kay Dale na sinimangutan lang siya. Isa pa 'to, tss. Uminom nalang ulit ako habang nag-uusap usap sila tungkol sa hospital. May mga sama pala sila ng loob sa ibang nurse doon. Sabagay, hindi naman maiiwasan 'yun.


3am nang tumigil kami at magpahinga nalang muna bago tuluyang umuwi. Si Tristan ay tulog na kaya hindi pa kami makaalis dalawa. Mahirap kasing gisingin ang isang 'yan. Antok na ako pero hindi ko siya pwedeng iwan dito.


"Doc Rakki, mauna na po kami." Paalam sakin ni Zelle kaya napalingon ako sa kanila. Nakita ko si Shane na akay-akay niya at ni Nurse Cha at si Dale na akay-akay naman ni Cade. Yung dalawa talaga ang pinakamalala ngayon dahil kaninang-kanina pa sila dito. Si Zelle naman at Cade ay halatang nag-iingat din sa pag-iinom dahil lasing na ang mga kasama. Nakakatuwa lang at may kontrol sila.


"Sa apartment ba kayo? Sino magda-drive?" Tanong ko sa kanila. Baka maaksidente ang mga 'to.


"Ako po, Doc. Kaya ko pa naman pong magdrive. Hindi naman po ako lasing." Nakangiting sabi ni Cade na ikinatango ko.


When Fighters Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon