Chapter 15

2.8K 94 0
                                    

This is the updated version of Chapter 15. However, I'll update it once more if I encounter any problem or issues. Thank you for your understanding!


Updated: January 06, 2022


Ayesha Rakki's POV


Nakasunod lang ako sa likuran niya kaya naman kitang-kita ko ang mga taong napapatingin sa aming dalawa na mukhang balewala naman sa isang 'to. Kaya naman medyo lumayo ako sa kaniya para naman hindi nila kami pagtinginan. Nakakapagtaka nga naman na magkasama kami ngayon papalabas ng hospital kung hindi naman kami masiyadong nag-uusap. Ni hindi ko pa nga siya nakasabay kumain sa cafeteria.


"Uhm, Doc. Naka duty pa kasi ako." Naiilang kong sabi sa kaniya nang sa parking lot siya dumiretso.


"You have a one hour break. Talaga bang ayaw mo kong makasama?" Natatawa niyang sabi at sumakay na kaya sumakay na rin ako sa shotgun seat.


"Totoo pala 'yun?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya kasi hindi talaga ako aware.


"What? You didn't know?" Hindi ko talaga alam 'yun dahil sa tuwing sinasabi nila Dale 'yun, binabalewala ko lang naman kaya nga madalas ako nalilipasan ng gutom. "Akala ko pa naman responsibilidad mo na alamin ang mga batas sa hospital na 'to as a doctor? You said that."


"Iniinsulto mo ba ako?"


"Ganon ba 'yung dating sayo ng mga sinasabi ko? Why? Are you mad at me?" Kunot noong tanong niya sakin na ikinabuntong hininga ko.


"What if I am? Ano naman sayo?"


"Then, I'm sorry." Sabi niya na ikinatahimik ko. Hindi niya naman kasi kailangang sabihin 'yan pero bahala na. Nasabi na niya, eh. Wala na akong magagawa doon.


Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at tiningnan ang message ni Uncle na nakapagpakunot ng noo ko. Tinatanong niya kasi kung nasaan ako. Hindi ba't nakakapagtaka 'yun? Papupuntahan niya ba ako kay Tristan? Tinatanong niya rin kung may pupuntahan daw ba ako sa mga susunod na araw.


Tumigil kami sa isang mall dahil gusto niya daw kumain sa Filipino restaurant. Naglakad siya papasok kaya sumunod nalang din ako. Napapailing akong naglakad nang mapansin na halos karamihan sa kababaihan sa lugar na 'yun ay napapalingon kay Zayden. Ano pa nga ba ang aasahan mo? Ang gwapo naman kasi talaga niya. Paano pa kaya kapag nalaman nila na doctor ang isang 'to at nagtop pa sa exam, baka sambahin na nila ang lalaking 'to.


"What do you want?" Tanong niya sakin habang hawak-hawak ang menu. Hindi ko na pinakealaman 'yun dahil may tiwala naman ako sa oorderin niya kaya 'yun nalang din ang akin.


"Kung ano sayo, ganon nalang din sakin." Diretsong sagot ko. Napaangat naman ng konti ang labi niya na parang namamangha sa sinabi ko. Wala naman akong sinabing iba. Ang weird niya.


"I just ordered sinigang and vegetable. Is that okay with you?"


"Kahit ano, Doc. Hindi naman ako maarte sa pagkain." Sabat ko sa kaniya.


"Really? I'm amazed." Ilang minuto lang ang lumipas ay may naramdaman na akong mga mata na nakatingin sa amin. Pasimple kong inilibot ang paningin ko at napailing nalang nang makita ang mga taong 'yun. Hindi talaga nila ako tinatantanan.


"Ano na naman kayang kailangan nila." Bulong ko sa sarili ko pero mukhang napalakas dahil napalingon si Zayden sakin.


"Is there a.... problem?" Kunot-noong tanong niya na nakakuha ng atensyon ko. Hindi din sinasadya na mapatingin ako sa mga body guards ko na agad kong sinenyasan na wag kikilos dahil baka may makuha akong impormasyon sa taong nagbabantay sakin.


When Fighters Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon