Chapter 9

2.9K 101 1
                                    

This is the updated version of Chapter 9. However, I'll update it once more if I encounter any problem or issues. Thank you for your understanding!


Updated: January 05, 2022


Ayesha Rakki's POV


Diretso lang akong nakatingin sa mga magulang ni Enzo habang tinatanggap ang diretsong tingin din ni Doc Zayden. Papagalitan niya ako mamaya. Sigurado ako doon. Alam ko namang mali ang ginagawa ko pero hindi ko pa rin talaga maiwasan. Hindi dapat emosyon ang ginagamit sa mga oras na 'to pero may puso din ako.


"Ano bang alam mo?" Naiiyak na tanong ni Mrs. Ramos. Kahit kelan hindi pa ako nakakita ng ganitong klase ng magulang. Ngayon lang talaga kaya uminit agad ang ulo ko.


"Wala ho akong alam, oo. Pero si Enzo sobrang daming alam kaya nga ho bago niyo siya makita sa ganyang estado ay sinabi niya pa sakin na wag ko daw siya gamutin." Madiin na sabi ko sa kaniya. Nasasaktan ako para kay Enzo. "Isipin niyo ho 'yun, 9 years old? Ayaw magpagamot dahil sa mga magulang. Alam niyo ho bang sobrang dami niya pang mararanasan sa edad na 'yun?" Nagpapaintindi na sabi ko. Nakakapagtaka dahil hindi na ulit ako sinaway ni Doc Zayden. Parang hinayaan niya na ako ng tuluyan.


"Trabaho ng isang doctor ang hindi makialam sa desisyon at problema ng isang pamilya. Hindi ba?" Diretsong tanong sakin ni Mr. Ramos.


"Yes, it is our job as doctors not to interfere with a patient's life. But do you know what our ultimate goal is? To help and heal people. Kung hindi man po kayo papayag na operahan ang anak niyo, ooperahan ko pa rin siya dahil kailangan na kailangan niya 'yun. Ako na bahala sa mga pambayad kung issue sa inyo 'yung pera. Pasensya na po Mr. and Mrs. Ramos." Bahagya pa akong yumuko sa kanila para humingi ng tawad dahil hindi ako susunod sa desisyon nila pero nagulat nalang ako nang bigla akong yakapin ni Mrs. Ramos.


"Maraming salamat po, Doctora. Gamutin niyo po ang anak namin. Gusto ko pa po syang makausap at humingi ng tawad. Pasensya na po, Doc." Nahihiyang sabi nito na ikinatango ko. Sinenyasan ko na si Cade na nakangiti kaya dali-dali niyang isinakay sa strecher si Enzo. Pumunta na rin kami sa operating room.


Habang naglilinis ako ng kamay ko, nagulat ako nang makita ko si Doc Zayden na nakagreen scrub na rin sa tabi ko.


"Bilib ako sa ginawa mo kanina." Panimula niya na ikinatigil ko. Nagugulat pa akong tumingin sa kaniya na nakatingin na pala sa akin ngayon. "I'm here to help, Ayesha." Nakangiting sabi nito na nakapagpatulala sakin. Pangalawang beses kong narinig 'yun at mas maayos din ngayon. Halos hindi ko na nga namalayan na nauna na siya sa loob kaya napaayos na ako ng sarili ko. Napabuntong-hininga pa muna ako bago pumasok sa loob.


Kailangan namin mag-opera para matanggal ang infected na appendix niya. Ito ay tinatawag na appendectomy. I used a small device called laparoscope to remove appendix through a small cut in the belly. Si Doc Zayden ang nag-assist sakin. Kinakabahan pa ako dahil baka magkamali ako. Damn! Never akong kinabahan sa medical operation talaga pero kapag kasama siya, kinakabahan ako! What's wrong with me?!


Naging maayos ang takbo ng operation namin. Medyo nahirapan lang ako sa pag-identify dahil baka dumugo pero naging maayos naman. Halos tumagal din kami sa operating room ng ilang oras. Gusto ko pa sana magpahinga pero agad ng nagcode blue ang isang kwarto.


(Code blue indicates a medical emergency such as cardiac or respiratory arrest.)


Napakunot ang noo ko nang mapansin na parang pamilyar ang kwartong 'yun. Napatingin din ako kay Doc Zayden na kakalabas lang ng operating room at agad napakunot ang noo sakin. Pero bago siya magsalita ay agad na akong tumakbo papunta sa kwartong 'yun.


When Fighters Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon