This is the updated version of Chapter 20. However, I'll update it once more if I encounter any problem or issues. Thank you for your understanding!
Updated: January 08, 2022
Ayesha Rakki's POV
Maaga akong nagising kinabukasan kaya naisip kong paglutuan ng pagkain sila Uncle. Nagluto ako ng egg, hotdog, bacon tsaka tuyo. Namiss ko kasi mag-ulam ng tuyo kaya nung namili ako ay bumili na rin ako ng isang pack nun.
"Nagfried rice ka?" Tanong ni Tristan na kakalabas lang ng kwarto niya bitbit pa ang laptop. Mukhang may tinatrabaho na naman siya sa Paris. "Gusto mo kape?" Tanong niya sakin.
"Milo ang gusto ko." Sabi ko na ikinangisi niya.
"Alin ang gusto mo? 'Yung taekwondo o 'yung basketball?"
"Alam mo Tristan, kahit ano. Basta milo." Inis na sabi ko dahil ipinakita pa talaga niya sakin 'yung pack nung milo na may mga picture sa harapan.
"Ay, hindi mo alam? Dapat namimili ka para astig."
"Ang aga-aga ang ingay niyo. Anyway, ang bango. Ano 'yun?" Biglang dating ni Uncle Sean na binatukan pa si Tristan nang madaanan papunta sakin. "Yes! May tuyo."
"Miss mo?" Tanong ni Tristan sa kaniya.
"Oo, sobra." Sagot naman ni Uncle habang kumukuha ng fried rice. Tingnan mo 'to, hindi pa nga ako tapos kumakain na. Tss.
"Miss ka ba?" Natatawang sabi ni Tristan na ikinatawa ko na rin nang maintindihan kaya agad siyang binato ni Uncle ng tissue na nadampot.
"Loko ka Tristan." Natatawang sabi nito na ikinahalakhak ni Tristan habang nagtitimpla ng milo. Umagang-umaga at ang gulo-gulo naming tatlo dito sa kusina. Hindi na kasi kami kumuha ng taga luto dahil nandito naman daw ako. Tsaka na daw kapag doon na ulit ako umuuwi sa apartment.
"Anong gagawin mo ngayon, Uncle?" Taas kilay na tanong ko sa kaniya nang ihanda na ang tuyo sa lamesa. Umupo na rin ako para makapagsimula na sa pagkain.
"Pupunta ako kay Archie Adisson dahil may business kaming pag-uusapan." Nakangisi niya pang sabi dahil may naisagot. Alam niya kasing kapag nalaman kong wala siyang gagawin dito, magbubunganga na naman ako. Kabisado na talaga ako ni Uncle.
"Uncle, may party kaming pupuntahan ni Rakki ngayon, ha. Magpapaalam na ako." Agad na napatingin sa kaniya si Uncle sa sinabi niya. Tumingin pa 'to sa akin sandali bago muling tumingin kay Tristan.
"Kasama si Rakki?"
"Hindi ka makapaniwala noh? Pfft. Kahit nung una, nagdalawang isip din ako, eh. Sabi ko baka ini-scam lang ako." Natatawang sabi ni Tristan kaya agad ko siyang binatukan na ikinatawa ni Uncle Sean.
"Buti naman at pumayag si Rakki? Hindi niya hilig ang ganon." Tanong ni Uncle kay Tristan. Parang wala ako dito, ah.
"Pinilit siya ng mga kaibigan niya, eh." Natural na sabi ni Tristan na mas lalong ikinagulat ni Uncle. Grr! Ang Oa niya!
"You are making friends now. Unbelievable." Pang-aasar niya sakin.
"Whatever, Uncle." Sabi ko at nagpatuloy na sa pagkain. Nagmadali pa ako dahil kailangan kong pumunta sa hospital dahil nagising na daw si Kyla. Ang tagal naming naghintay.
![](https://img.wattpad.com/cover/212956599-288-k387428.jpg)
BINABASA MO ANG
When Fighters Fall In Love
ActionBecause of what happened years ago, Ayesha Rakki wanted to return to the Philippines for a revenge. But she must be a doctor in order to do so while searching for those people. And while doing so, she will meet a man named Zayden Sebastian Farrell...