This is the updated version of Chapter 25. However, I'll update it once more if I encounter any problem or issues. Thank you for your understanding!
Updated: January 11, 2022
Ayesha Rakki's POV
Gusto kong mamangha kay Doc Noah dahil magaling talaga siya. Magaling nga kumuha ng doctor si Chairman, tama sila. Dahil nakita ko mismo. Ilang araw na rin kasi ang lumipas ng pananatili dito ni Doc Noah.
Normal na araw lang ang meron ngayon habang naglalakad ako papunta sa kwarto ni Kyla nang makita ko si Cassy na papalabas na ng kwarto niya. Mukhang uuwi na sila.
"Doc Rakki!" Tawag niya sa akin kaya ngumiti agad ako sa kaniya at kumaway. Napakacute talaga ng batang 'to.
"Uuwi ka na?" Tanong ko na tinanguan niya kaagad. Medyo malungkot pa kaya napakunot ang noo ko. "Anong problema?"
"Gusto ko na po dito. Kaya lang kailangan ko na pong umuwi." Narinig ko pa ang tawa ng mga magulang niya nang magsimula ng maluha si Cassy.
"Mas masaya sa bahay. Mapapanood mo na 'yung mga gusto mong panoorin. Diba sabi mo favorite mo sa barbie?" Tanong ko na ikinatango niya kaagad.
"Natatandaan mo pa 'yun, Doc?" Namamangha niyang sabi.
"Oo naman. Palagi mo kaya ako kinukwentuhan tungkol doon. Magpagaling ka, ha. Mag-ingat po kayo." Nakangiting sabi ko sa mga magulang niya bago bahagyang ginulo ang buhok ni Cassy.
"Opo, Doc. Maraming salamat po." Pagpapaalam nila at maglalakad na sana paalis nang biglang tumakbo pabalik si Cassy at niyakap ako ng mahigpit.
"D-doc," umiiyak niyang tawag sa akin.
"Mag-iingat ka, ha."
"Mukhang mahal na mahal ka nga ng mga pasyente mo, Doctora." Biglang sulpot ni Doc Noah habang nakatingin kay Cassy na nasa malayo na pero kumakaway pa sa akin paalis.
"Hindi ko rin alam kung bakit pero masaya ako doon." Nakangiting sabi ko at pinanood na mawala sila Cassy sa paningin ko bago naglakad papunta sa mga pasyente ko.
"Mabait ka kasi." Sabi niya na ikinatigil ko. Kahit kelan ay walang nagsabi sakin na mabait ako dahil hindi naman totoo 'yun. Marami na akong napatay na tao. At kung malalaman nila 'yun ay baka sabihin pa nilang mas masahol ako sa demonyo.
"Hindi ako mabait." Diretsong sabi ko na bahagya niya pang ikinagulat. Hindi ko na siya kinausap pa at umalis nalang. Dumiretso ako sa kwarto ni Kyla na ngayon ay kausap ang kuya niya.
"Anong ginagawa mo dito, Lay?" Gulat na tanong ko sa kaniya na bumati pa sa akin.
"Nandoon po si Sir Tristan kaya hinayaan niya muna akong pumunta dito." Sagot nito. Napapansin kong mas lalong gumagwapo ang isang 'to.
"Ilang taon ka na?" Wala sa sariling tanong ko sa kaniya.
"23 years old po, Doc." Sagot niya na bahagya kong ikinagulat.
"Tapos ka na ng college?"
"Hindi pa po. Legal management din po ang kinuha ko kagaya ni Sir Tristan."
"Talaga?" Nagugulat na tanong ko.
"Opo, kaso kailangan ko po munang tumigil para sa pagpapagamot kay Kyla." Sagot niya na bahagyang ikinatigil ni Kyla sa panonood at humarap sa kuya niya. "Pero kapag nakaluwag-luwag naman po ay ipagpapatuloy ko para magkaroon ako ng maayos na trabaho. Gusto ko din po kasi talagang maging lawyer." Sabi niya na nginitian ko. Feeling ko magiging successful si Lay someday. Alam ko 'yun.
BINABASA MO ANG
When Fighters Fall In Love
AksiyonBecause of what happened years ago, Ayesha Rakki wanted to return to the Philippines for a revenge. But she must be a doctor in order to do so while searching for those people. And while doing so, she will meet a man named Zayden Sebastian Farrell...
