Chapter 28

2.3K 73 1
                                    

This is the updated version of Chapter 28. However, I'll update it once more if I encounter any problem or issues. Thank you for your understanding!


Updated: January 12, 2022


Ayesha Rakki's POV


Napangiti ako nang ituro ni Tristan ang matagal niya na daw gusto kainan na korean restaurant. Nung nakaraan pa daw niya gusto pumunta dito kaso kami ni Uncle ang gusto niyang kasama. Hindi din naman ako pamilyar dito pero pumasok na rin ako sa loob. Nanatiling nasa labas ang mga body guards ni Uncle dahil gusto namin kumain ng payapa. Hindi magandang tingnan kung pati dito sa loob ay binabantayan nila kami.


"Anong nangyari sayo kahapon?" Tanong ni Tristan habang naghahanda na ng pagkain namin 'yung mga staff. Napabuntong hininga naman ako at muling ikinuwento ang nangyari. Kahit 'yung pagkainis ko ay nasabi ko sa kanila ni Uncle.


"Sino naman kaya 'yun?" Nag-iisip na tanong ni Tristan na ikinakibit-balikat ko. Hindi ko naman kasi talaga alam. Kung alam ko lang, baka gumawa na ako ng aksyon.


"Basta ang panghawakan mo ay kahit papaano meron ng tao na makakapagsabi sayo kung sino ang pumatay sa lola mo. 'Yun naman ang mahalaga doon." Natural na sabi ni Uncle sakin. Tumango naman ako dahil tama siya. At least ngayon may isa na akong pinanghahawakan.


"Sana kasi sinabi mo nalang sakin Uncle para hindi ako nahihirapan ng ganito." Inis na sabi ko na ikinaiwas niya ng tingin. Hindi ko alam kung bakit palagi niya 'yang ginagawa tuwing nagtatanong ako. Alam ko namang kilala niya kung sino ang nagpapatay kay Lola pero wala siyang ginagawa. Nakakainis. Hindi ko alam kung ayaw niya bang sabihin o baka naman hindi niya talaga alam. 'Yun ang nasa isip ko.


"Grabe. Excited na ako kumain." Nakangiting sabi ni Tristan na ikinailing ko. Gusto kong mamangha sa plating ng bawat pagkain na inihain samin. Pero dahil sa kakulitan ni Tristan ay hindi ko na nagawa 'yun. Nagfocus na rin ako sa mga pagkain na nasa harapan ko. Gusto ko pang matawa nang si Uncle ang magluto ng mga meat ng sabihin ni Tristan na takot siya sa mantika. Hindi din talaga nito matiis si Tristan, eh. "Grabe, Uncle. Hindi ko akalain na matitigas pala talaga ang ulo nung mga board members, noh?" Biglang sabi ni Tristan na ikinalingon namin ni Uncle. Ano na naman kayang sinasabi nito? Wala akong balita doon nitong mga nakaraang araw dahil wala din namang sinasabi sakin si Trisha.


"Bakit?" Takang tanong ni Uncle.


"Kahapon kasi, kinamusta ko 'yung company kasi may irerelease na bagong product. Aba, ang mga 'yun pala ay sinasamantala ang pagkawala natin doon. Akala ko ay pinaprank lang ako ng secretary ko. Amputa, totoo pala."


"Anong pinaprank? Tss. Palibhasa kasi 'yun ang ginagawa mo minsan sa company, eh." Sabat ni Uncle at sinamaan pa ng tingin si Tristan.


"Anong sinasamantala?" Napatingin silang dalawa sa akin nang tanungin ko 'yun. Kahapon lang nalaman ni Tristan, pero ako, wala akong alam. Dapat din ba akong magtanong? Masiyado akong kalmado dahil akala ko ay hindi naman malala ang ginagawa ng mga taong 'yun.


"Habang nakaduty daw ay pumupunta 'yung mga 'yun sa club. Tss. Tapos imbes na gawin 'yung mga pinapagawa sa kanila, naglalaro pa daw ng golf. Ay, talaga naman." Naiiling niyang sabi na ikinainit ng ulo ko. Hindi ko talaga alam 'yan kaya agad kong tinawagan si Trisha.


[Hello, Miss Rakki?] Bungad niya sa akin.


[Anong nakarating sa akin na balita? Nakaduty sila pero pumupunta sa club? And what is the other one? Playing golf? How about their tasks?] naiinis talaga ako. Ano ba ang mga 'yun? Parang kailangan ko na naman takutin isa-isa ang mga 'yun, ah.


When Fighters Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon