Chapter 32

2.3K 82 1
                                    

This is the updated version of Chapter 32. However, I'll update it once more if I encounter any problem or issues. Thank you for your understanding!


Updated: January 13, 2022


Ayesha Rakki's POV


Bago ako pumunta sa hospital ay dumaan muna ako sa bilihan ng laruan. At nang mabili ko ang kailangan ko ay umalis na rin ako agad at dumiretso sa hospital. Gusto ko pang matawa nang magtaka ang tindera sa binili ko pero maglalaro lang naman ako kaya hindi niya kailangan mag-alala. Sa main building ako bumaba at pinark doon ang sasakyan ko dahil hindi naman ako magtatagal. Dinampot ko rin ang cellphone ko dahil naghihintay ako ng update mula kay Faudia bago tuluyang naglakad papasok pero napakunot din ang noo ko nang may makitang pamilyar na tao sa entrance. Halatang may hinihintay.


"Ayesha." Nakangiting bati niya sa akin habang dala-dala ang bag niya.


"Ano po ang ginagawa niyo dito Mrs. Adisson?" Tanong ko sa kaniya at bahagyang lumapit. Hindi ko pa alam kung sino sa mga Adisson ang may kinalaman sa lahat pero hangga't hindi ko alam ay paghihinalaan ko ang pamilya ng taong nasa harapan ko. Alam kong masama ang magbintang pero hindi ko maiwasan. Kahit sabihin mo kasing mabait ang isang tao, meron pa rin 'yang itinatago na ugali. Hindi ka dapat talaga magtiwala.


"Bibisitahin ko lang sana ang anak ko na si Meisha kaso nga lang hindi ko alam kung saan ko siya pupuntahan." Sabi nito na ikinabuntong-hininga ko. "Are you okay, iha? Anong nangyari sa pisngi mo?" Tanong nito na hindi ko na pinansin dahil tinawagan ko na si Uncle. Hindi niya pa ba alam ang nangyari sa amin? Hindi sinabi ni Uncle sa mga Adisson?


[Where are you?] Tanong ko kay Uncle kaya bahagyang napalingon sa akin si Mrs. Adisson. Narinig ko pa ang boses ni chairman sa kabilang linya nang may sabihin siya kay Uncle kaya nakakasiguro ako na magkasama silang dalawa.


[Sa cafeteria. Bilisan mo at kasama ko ang mga pedeatric doctors. Nakakahiya at pinaghihintay ko din sila dito.] reklamo niya na ikinairap ko nalang bago hinarap si Mrs. Adisson.


"Ihahatid ko na lang po kayo kay Meisha. Nasa cafeteria daw po sila." Natural na sabi ko bago naunang naglakad. Binati pa ako ng guard at pinapasok na rin si Mrs. Adisson na nakasunod lang sa akin.


"How old are you, Ayesha?" Tanong niya sa akin na ikinalingon ko. Ang bastos ko naman na masyado kung sa pangalawang pagkakataon ay hindi ko sasagutin ang tanong na 'yun.


"I'm 27 po."


"Really? Magkaedad lang pala kayo ni Meisha. Hmm, anyways nabalitaan ko na galing ka daw ng Paris. Doon ka ba ipinanganak?" Tanong niya ulit na ikinabuntong-hininga ko.


"Sa pilipinas po talaga ako nakatira kaso lang kinailangan ko pong pumunta sa Paris because of a reason."


"Really? What is the reason?" Hindi ko alam kung hindi ba niya nahalata na ayaw kong sabihin o talagang hindi lang siya aware. Para kasing ang natural lang ng pagkakatanong niya.


"Dahil namatay po ang lola ko." Diretsong sabi ko na ikinamaang niya. Siguro naman ay matatahimik na siya. "Pinatay po siya, actually." Hindi ko na dapat isinama ang impormasyon na 'yun pero pinangunahan na naman ako ng inis ko.


Napailing nalang ako at nauna ng maglakad papunta sa cafeteria kung saan ko natagpuan si Uncle na kasamang kumakain si chairman at ang mga doctor ng pediatric department. Nagtatawanan pa silang lahat. Napapatingin tuloy ang ibang doctor na kumakain din. Agad silang napalingon sa amin nang mapansin na kumaway si Uncle Sean kaya dumiretso na ako doon at tumabi kay Uncle.


When Fighters Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon