This is the updated version of Chapter 50. However, I'll update it once more if I encounter any problem or issues. Thank you for your understanding!
Updated: January 22, 2022
Ayesha Rakki's POV
Kasalukuyan na akong naglalakad papunta sa office ko dahil kakatapos ko lang sa isang medical operation. Hindi ko inakala na tatagal kami ng ganon katagal. Pinauna ko nang umuwi si Zayden para makapaghanda siya para mamaya. Hindi naman ako excited sa party na 'yun. Nakakagulat lang talaga at nag-abala pa sila. Balita ko naman ay kami-kami lang ang bisita.
Agad kong dinampot ang cellphone ko nang makitang tumatawag si Uncle doon. Iniwan ko din kasi 'yung phone ko dito sa office.
[Yes, Uncle?]
[Rakki, where are you?]
[Mauna na kayo doon. Susunod ako.] sabi ko at ibinaba na ng tuluyan ang linya. Nagbihis na ako ng damit at kukunin na sana 'yung bag ko nang mapalingon ako sa lalagyanan ng vase dahil may nakita akong maliit na papel na nakailalim doon. Agad ko 'tong kinuha at napahawak nalang ako sa lamesa nang mabasa ang sulat na 'yun. Damn! Ngayon nalang ulit!
Puntahan mo ang address na nakalagay dito. Mag-ingat ka dahil nakabantay sila sayo. Hihintayin kita. - unknown
Nang mabasa ko 'yung sulat ay agad ko nang kinuha 'yung bag ko at patakbong pumunta sa sasakyan. Napatingin pa ako sa oras dahil aalis nga pala ako. Hindi naman siguro sila magagalit kung malalate ako ng konting oras. Konting oras lang naman. Tsaka importante ang pupuntahan ko.
Tiningnan ko muna ang paligid at mukhang tama nga ang taong 'to dahil may nakita akong mga lalaki na nakapalibot sa akin. Ngayon ko lang sila naramdaman. Mukhang binabantayan nila ang bawat kilos ko.
Nang paandarin ko ang sasakyan ko ay nakita ko ring sumakay sila sa sasakyan at agad akong sinundan. Napangisi ako sa kaisipang gusto nila ng ganito kaya makikipaglaro ako. Pinaandar ko ng mabilis ang sasakyan ko at nang may makita akong truck ay agad akong sumingit doon kahit komplikado. Napangisi nalang ako nang maipit sila doon kaya agad kong iniliko ang sasakyan ko sa dapat nitong puntahan.
Nakatakas din sa wakas.
Kunot-noo akong nakatanaw sa isang bahay. Anong meron dito? Bakit dito ako pinapunta ng taong 'to? Wala pang masiyadong tao sa lugar na 'to kaya ang tahimik. Iilan lang din ang mga bahay.
Naghintay lang ako ng ilang minuto at nang maubos ang pasensya ko ay naisipan ko nang pumasok sa sasakyan. Talkshit naman ata 'yun. Nakakainis. Pinaghintay pa ako dito. Umasa pa ako na malalaman ko na lahat pero ito ako ngayon at nagrereklamo dahil hindi ako sinipot ng taong 'yun.
"Doc Rakki?" Tawag sa akin ng kung sino kaya napatigil ako sa pagpasok sa sasakyan ko. Taka akong napatingin kay Enzo na agad lumapit sa akin at yumakap. "Pinuntahan niyo po ba ako dito?" Excited niyang tanong sa akin. Napatingin naman ako kay Mr. Ramos na nakatingin lang sa akin ng diretso. Seryoso siya. Hindi kagaya kapag nasa hospital kami, nakangiti siya palagi sa akin. Ibang Mr. Ramos ang nasa harapan ko ngayon. Nakakapagtaka.
"Enzo, tara na sa loob. Mag-uusap lang muna si Doc tsaka si Papa mo." Sabi ni Mrs. Ramos na agad namang tinanguan ni Enzo. Napatingin ako ng diretso kay Mr. Ramos. Sana mali ang nasa isip ko. Imposible naman siguro?
"Kayo ba ang taong 'yun?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga oras na 'to. Yung alas ko pala ay nasa paligid ko lang at halos araw-araw ko pang nakikita. Hindi ako makapaniwala!
![](https://img.wattpad.com/cover/212956599-288-k387428.jpg)
BINABASA MO ANG
When Fighters Fall In Love
AcciónBecause of what happened years ago, Ayesha Rakki wanted to return to the Philippines for a revenge. But she must be a doctor in order to do so while searching for those people. And while doing so, she will meet a man named Zayden Sebastian Farrell...