This is the updated version of Chapter 14. However, I'll update it once more if I encounter any problem or issues. Thank you for your understanding!
Updated: January 06, 2022
Ayesha Rakki's POV
Nang sumapit ang 6:00 pm ay pumunta na ako ng hospital matapos magpahinga. Nagsuot lang ako ng turtle neck long sleeve na black para hindi makita 'yung mga sugat ko sa braso at high waist pants na white. Dala-dala ang cake ay isa-isa kong nasalubong ang mga nurse at doctor na binati ako kaya binati ko na rin sila.
"Doc, ready ka na ba?" Nagulat ako nang sumulpot si Cade sa harapan ko habang may hawak na lobo at party hat sa ulo. Natawa pa ako nang makita ko ring nakaparty hat sila Nurse Cha habang nakangiti sakin. Sinalubong talaga nila ako.
"Anong meron?" Takang tanong ko dahil wala talaga akong alam sa nangyayari ngayon.
"Birthday ni Enzo, diba po? Sinamahan lang namin 'yung cake mo, pfft. Oh, doc! Para sayo!" Inilagay ni Dale sa ulo ko ang party hat at naglakad na papunta sa kwarto ni Enzo. Naging maingay pa kami dahil sa mga jokes ni Dale.
Napangiti pa ako nang makita na marami ring mga bata ang kumakanta at nakaparty hat habang nakatingin kay Enzo. Pero mas lalo akong nagulat nang makita na kumpleto ang pedeatric doctors. May mga party hat din sila. Lihim pa akong natawa sa mga itsura nila. Nandito kasi si Doc Zayden, Doc Meisha, Doc Ray at Doc Lucy. Sila ang kasama ko dito sa pediatric department.
"Happy Birthday to you!"
"Happy Birthday to you!"
"Happy Birthday!"
"Happy Birthday!"
"Happy Birthday to you! Wooooh!" Sigawan nilang lahat kaya lumapit na ako kay Enzo at sinindihan ang kandila ng cake na dala ako. Nakakagulat pa at hindi pa rin tunaw ang ice cream cake na 'to. May sarili ata siyang ref sa loob, pfft.
"D-doc..." naiiyak na salubong sakin ni Enzo pero nginitian ko na siya para sabihing okay lang ang lahat.
"Magwish ka na." Sabi ko na agad niyang sinunod. Nagulat pa ako nang bigla niya akong yakapin matapos hipan ang kandila kaya kinuha na ni Mrs. Ramos ang cake na hawak ko. Lumuhod na rin ako para magpantay kami ni Enzo na muling yumakap sakin at doon umiyak ng umiyak. Napangiwi pa nga ako nang matamaan ang sugat sa braso ko pero hindi ko na 'yun pinahalata.
"Grabe! Parang si Doc Rakki lang ang gusto mo, ha. Siya lang ang niyayakap mo ng ganiyan." Pagbibiro ni Doc Ray sa amin na ikinatawa ng lahat. Sa pagkakaalam ko ay aalis na siya dahil may paparating na doctor galing sa ibang bansa para magtrabaho dito. Hindi ko lang alam kung kailan. Pero may memo na tungkol doon.
"Paano pa po ako, Doc? Halos araw-araw ko siyang chinicheck pero hindi ako nakakakuha ng ganiyang yakap mula kay Enzo." Reklamo naman ni Dale sa tabi.
"Baka natatakot sayo." Pang-aasar ni Zelle sa kaniya na sinamaan naman agad ng tingin ni Dale. Hindi ko na sila pinansin at tumingin nalang kay Enzo na ngayon ay namumula pa ang mata at ilong habang nakatingin sakin.
"Okay ka lang ba?" Tanong ko sa kaniya. Kahit umiiyak ay nakuha niya pang ngumiti sakin.
"Doc, ayoko na pong umalis dito." Sabi niya na bahagya ko pang ikinagulat. At dahil sa sinabing 'yun ni Enzo, nanahimik ang lahat at emosyonal na ring tumingin sa amin. "Pwede po bang sa inyo nalang ako, Doc? Pwede po bang.... manatili nalang ako sa tabi niyo?" Napangiti ako sa sinabi niya at bahagyang pinunasan ang luha na tumutulo sa pisngi niya bago hinawakan ang magkabilang balikat niya.
BINABASA MO ANG
When Fighters Fall In Love
ActionBecause of what happened years ago, Ayesha Rakki wanted to return to the Philippines for a revenge. But she must be a doctor in order to do so while searching for those people. And while doing so, she will meet a man named Zayden Sebastian Farrell...
