Chapter 40

2.3K 78 0
                                    

This is the updated version of Chapter 40. However, I'll update it once more if I encounter any problem or issues. Thank you for your understanding!


Updated: January 18, 2022


Ayesha Rakki's POV


Nakarating na kami sa hospital ng 1pm kaya pinili muna naming kumain sa isang restaurant. Gusto ko pang matawa nang palihim na tingnan ng mga tao si Zayden. Ang iba ay kinikilig pa at bahagyang pinicturan siya. He's wearing a plain white shirt and a black ripped jeans. Ang sarap niyang ibulsa.


"Don't stare at me like that. I can't kiss you here." Sabi niya na bahagya ko pang ikinagulat. Tiningnan ko siya ng masama dahil narinig pa ata ng ibang tao sa paligid namin ang sinabi niya dahil napatingin sila sa akin. Nakakahiya naman!!


Nang makaupo kami ay agad niyang kinuha ang cellphone niya at ipinakita sa akin ang isang screenshot ng convo. Lihim pa akong napangiti nang makita ang mga text ni Tristan sa kaniya. Tristan.... tss.


From Tristan:
Don't you dare hurt my sister, pare. I will kill you, promise.


From: Tristan
Here's a little information for you. Rakki wants to do everything on her own. She's hard headed, alright? And she don't listen to anyone. As in, anyone. She's also dangerous but, once you know her? She's really caring and responsible. She wants to protect her loved ones very much. Her priority is to protect them no matter what happen. Isn't she amazing?


From: Tristan
Pre, hindi talaga ako nagbibiro. Kaya uulitin ko lang 'to. Don't you dare break her heart because I will break your bones instead. Hindi ako marunong magbiro kaya umayos ka.

PS: Wag mo sasabihin kay Rakki 'to.


Sobrang dami pa nung iba pero puro threat naman. Para siyang gangster. Hindi ko alam na tinitext pala siya ng ganito ni Tristan. Ang isang 'yun talaga. Tss. Kaya ko naman ang sarili ko pero kung mag-alala siya.


"Can you tell him to stop? It's annoying." Reklamo niya na ikinatawa ko.


"Hindi ko alam na pinapadalhan ka pala ng ganiyan ni Tristan."


"Nagsimula 'yan nung sinabi ko sa kaniya na gusto kita. Akala ko ay maayos na sa kaniya but yeah, he message me." Sabi niya at nagpatuloy ng kumain. Kahit nagtataka doon sa sinabi niyang nag-usap sila ni Tristan ay hinayaan ko nalang. Ayoko na rin namang magtanong.


"Hello Ma'am, ano pong kailangan niyo?" Tanong sa akin ng isang nurse na bahagya pang napapatingin kay Zayden nang makarating kami dito sa hospital. Si Zayden naman ay inilibot pa ang paningin sa kabuuan ng lugar na 'to.


"Uhm, gusto ko lang sanang itanong kung may bumibisita ditong Belinda Andrada." Sabi ko na ikinakunot ng noo niya.


"Anong year po ba?" Tanong niya sa akin. Lihim akong napamura nang marealize ko na sobrang tagal na nga pala nun. Nakakahiya.


"Uhm, 1993." Naiilang na sabi ko na bahagya niyang ikinagulat. Nakakainis. Mahihirapan akong maghanap nun, panigurado.


"Sandali lang po, Ma'am." Paalam niya at umalis na. Kasalukuyan na akong naghihintay habang pinagmamasdan ang ilang pasyente nang biglang may lumapit sa akin na matanda.


"Anong kailangan niyo kay Belinda?" Tanong niya na agad ikinakunot ng noo ko.


"Kilala niyo po ang Lola ko?" Tanong ko na ikinagulat niya. Mapapansin mo na sobrang tanda na niya base na rin talaga sa mga puti niyang buhok.


When Fighters Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon