This is the updated version of Chapter 44. However, I'll update it once more if I encounter any problem or issues. Thank you for your understanding!
Updated: January 20, 2022
Ayesha Rakki's POV
Umorder na kami ng makakain namin dito sa cafeteria nang maglunch na nang mapatingin ako sa cellphone ko dahil tumatawag si Doc Zayden doon. Bahagya ko pang nilingon ang pwesto ni Doc Meisha at hindi ko nga nakita si Zayden doon. Saan naman kaya pumunta 'to?
[Why?] kunot-noong tanong ko sa kaniya. Mabuti nalang pala ay umoorder pa sila Dale kaya wala masiyadong makakarinig sa akin. Si Shane naman ay may pinuntahan pang pasyente kaya wala pa siya dito. Ang sabi niya ay susunod daw siya.
[Chairman asked me for lunch. I won't be there. So, eat your food properly and don't talk too much to Doc Noah, alright?] Sabi nito na bahagya kong ikinatawa. Bakit ba siya nabobother kay Doc Noah eh wala namang ginagawa ang isang 'yun.
[Do i need to follow you, Sir?] Natatawang tanong ko na ikinatawa niya na rin. Narinig ko pa ang pagbati ng ilang tao. Halatang naglalakad siya ngayon.
[Of course. I'm the boss.] napataas agad ang kilay ko sa sinabi niya. Kailan pa siya naging boss? Pfft.
[Alright then. Since, I love the boss. I will follow him.]
[Really?]
[Hmm. I love you. I really do.]
Narinig ko naman siyang natawa sa kabilang linya bago sumagot. [Damn! I love you too, baby. I'll hang up now. Update me, alright?] Sabi niya at pinatay na ang linya. Sakto namang dumating sila Dale na may bitbit ng mga pagkain.
"Ang haba ng pila! Tag-gutom ba ngayon? Nakakaloka!" Kunot-noong tanong niya na bahagya kong ikinatawa bago ibinalik ang cellphone sa bulsa. Umupo na rin si Nurse Cha, Cade, Zelle at Doc Noah sa upuan sa table dito.
"Okay lang 'yan. Madaldal ka naman kaya hindi kami nainip. May use din pala talaga 'yung bunganga mo, noh?" Tanong ni Cade na inirapan agad ni Dale.
"Hanggang dito lang Cade, oh. May linya. Hindi kayo kasaling tatlo kasi mga seryoso kayo sa buhay." Tinutukoy niya ay kaming tatlo nila Doc Noah na nasa kabilang parte ng upuan. Napataas nalang ang kilay ko sa sinabi niya na nginitian niya lang. Buang talaga 'to.
"Grabe! May chika ako!" Maya-mayang dating ni Shane na ikinalingon naming lahat. Napatigil pa sila sa pagkain nila dahil agad na tumabi si Shane kay Dale na bahagya pang nandiri nang mapadikit sa kaniya si Shane. Pfft.
"Ano naman 'yan?" Kunot-noong tanong ni Zelle.
"Si Doc Zayden! May girlfriend na huhu." Kunwaring naiiyak niyang sabi na ikinaagaw ng atensyon nila Dale kaya agad silang lumingon kay Shane. Mabuti nalang at medyo malayo ang ibang nurse at doctor sa pwesto namin.
"Bakit? Anong nangyari?" Dire-diretsong tanong ni Dale. Excited din o kinakabahan din? Hindi ko na alam. Basta ako ay natural lang na kumakain dito.
"Eh, paano ba naman? Diba nga dumaan ako sa hallway! Tapos nakita ko siya na may kausap sa telepono! Hindi ko sinasadya na marinig 'yung sinabi niya..... pero narinig ko! Waaaaah! 'Yung puso ko hindi na nagpa-pump ng blood!" Kunwaring naiiyak na sabi niya at bahagya pang kinuha ang tubig ni Dale at ininom 'yun. Palihim akong natawa si kilos niya. Alam ba ni Knight 'to? Tss.
BINABASA MO ANG
When Fighters Fall In Love
ActionBecause of what happened years ago, Ayesha Rakki wanted to return to the Philippines for a revenge. But she must be a doctor in order to do so while searching for those people. And while doing so, she will meet a man named Zayden Sebastian Farrell...
