Chapter 46

2.5K 83 0
                                        

Zelle's POV


"Ayan kasi si Zelle. Ang daming sinasabi. Pati tuloy ako napapaisip." Reklamo ni Shane na ikinangiwi ko agad.


Kasalanan ko pa? Eh nagsasabi lang naman ako ng totoo.


"Oo nga. Medyo naguluhan din ako sa sinabi niyan. Okay ka lang ba o hindi na si Zelle ang kasama namin dito?" Sabat naman ni Dale at pinindot pa ang pisngi ko kaya hinampas ko agad ang daliri niya.


"Wala ba kayong ginagawang dalawa? Si Cade at Nurse Cha ay kasama ni Doc Rakki sa kabilang hospital—nagtatrabaho ng mabuti. Anong ganap niyo dito?" Taas kilay na tanong ko.


Kami lang kasi tatlo ang nandito sa nursing station dahil busy ang lahat. Alam ko naman na kakatapos lang nila sa operating room at nagpapahinga lang ngayon. Gusto ko lang talaga sila paalisin dahil kinukulit nila ako.



"Dzai, kakatapos lang ng trabaho ko. Hindi na ba pwede magpahinga?" Masungit na tanong ni Dale sa akin.


Sasagot pa sana ako nang biglang sunod-sunod na dumating ang mga ambulance na ikinakunot ng noo ko.


Nagtakbuhan na rin doon ang mga nurses at ang ilang doctor kaya pumunta na rin kami.


Natakpan ko ang bibig ko nang makita ang sunod-sunod na pagdating ng mga tao na sugatan. Ang dami!!


What the hell is happening??? Wala man lang nag-FYI sa amin??? Kaya naman pala wala ang mga nurses kasi naghihintay sila!


"Ano pong nangyari?" Tanong ni Dale sa isang pasyente na dumudugo ang noo. Nililinis niya ang sugat nito tapos mag-uundergo na sila ng test kung may internal bleeding ba.


"Aksidente po sa highway. Madami ang nasaktan. Nauna lang kami dito dahil nasa likuran kami at accessible sa tulong." Problemadong sabi niya bago kinuha ang cellphone para siguro kausapin ang pamilya niya.


Muli kaming napalingon nang may panibagong ambulansya na naman ang dumating at may dalang mga pasyente. Agad ipinasok ang mga ito sa emergency room pero ang pinaka-nakakuha na ng atensyon ko ay ang mga sulat nila sa bandang braso.


"Sandali lang po." Pigil ko sa hospital staff na lalagpasan na sana ako habang dala-dala ang isang pasyente.


Agad kong kinuha ang braso niya at napamaang nang makita ang mga nakalagay doon.


Instructions??? Yung dapat nalang naming gawin sa mga pasyente ay nakasulat doon. Such as mag-undergo ng ganitong test, dalhin sa ganitong department.


"May problema po ba?" Tanong sa akin nung medical staff.


"Sino po ang nagsulat nito sa inyo?"
Tanong ko doon sa lalaki na may sugat sa kabilang braso niya. Siya din ang hawak nitong medical staff na hinarang ko.


"May isang doctor po doon na tumutulong sa mga na-aksidente—tsaka dalawang nurse." Natural na sabi nito dahilan para magkatinginan kami nila Shane na nakarinig din sa isinagot ng taong 'to.


Bukod kasi sa amin ay wala dito si Nurse Cha tsaka si Cade ganon na rin si Doc Rakki.


Hindi kaya sila ang mga taong tinutukoy nito????


When Fighters Fall In LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon