Ayesha Rakki's POV
Pulis na daw ang bahala sa aksidente matapos maubos ang pasyente kaya pinabalik na kami sa hospital. Sama-sama pa kami sa isang ambulansya kaya ramdam mo ang katahimikan. Pansin ko kasi ang palihim na pagtingin nila Dale. Malamang sa malamang kating-kati na sila na tanungin ako.
"Okay ka na ba, Doc?" Tanong ni Cade sa akin na ikinalingon ko. Ngumiti naman ako sa kaniya nang mapansin ang sugat niya sa braso.
"Oo. Kayo? Wala na bang masakit? Kamusta ang sugat mo?" Kanina ko pa kasi siya nakikita na nagbubuhat. Para siyang walang sugat sa braso.
"Okay na kami, Doc. Medyo nakapagpahinga na rin naman kaya 'wag na po kayo mag-alala." Sagot nito sa akin pero pinagalitan na siya nila Dale.
Napabuntong-hininga na naman ako nang maisip kung bakit kami pinapatawag sa office ni chairman. Para saan pa nga ba? Malamang sa malamang ay nakarating na sa kanila kung anong meron sa amin ni Zayden. Tss.
"Hey, are you okay?" Tanong ni Zayden na bahagya pang hinawakan ang kamay ko. Napalingon tuloy ako sa kaniya dahil muli lang akong nagulat sa ginawa niya. Nakalimutan niya ata na hindi lang kami ang tao dito. Nakakahiya tuloy kila Nurse Cha.
"Yeah. I'm okay. I'm just overthinking."
"It's going to be okay."
"I know."
Nang makarating kami sa hospital ay nagulat pa ako dahil hindi ko inakala na ganon na pala karami yung mga taong involve sa aksidente. May mga reporters na rin na nagkakagulo sa labas kaya dumoble ang guards sa main building.
"Let's go." Yaya ni Zayden sa akin kaya sumunod na ako sa kaniya sa paglalakad.
Agad bumungad sa akin ang mga body guards ni Uncle na bahagya pang yumuko bago ako tuluyang pinapasok sa loob. Gusto kong mamangha nang makita na nandoon na si Dad, Mom, Meisha, Si Uncle Zach, si Tita Klare, Chairman, Uncle Sean at si Tristan. Halatang kami nalang ni Zayden ang hinihintay.
Agad akong hinila ni Zayden at pinaupo sa couch sa tabi niya. Nag-angat pa ako ng tingin kay Dad na ngumisi lang sa akin. Tss. Nakuha niya pa talaga akong ngisian.
"What is this about?" Si Uncle Sean na ang unang nagsalita. Mukha naman siyang normal sa paningin ko pero alam kong galit siya.
"Our children want to call off the wedding." Sagot ni Tita Missy—my mother.
"That agreement was between Adisson and Farrell's families. So why exactly am I here?"
"Zayden is in a relationship." Natahimik ako lalo nang si chairman na ang magsalita. "And the woman he loves is Ayesha."
Napataas ang kilay ni Uncle Sean. Oh god. "And?"
The room fell silent.
"Are you expecting me to stop them from being together? Because if that's why I'm here, you're wasting your time."
"Sean, calm down." Awat ni Dad.
"This is me being calm." Napangiti siya at tiningnan sila isa-isa. "If I wasn't calm, that table would already be in pieces."
Lahat kami napatingin sa lamesa sa harapan namin.
"Because from where I'm sitting, this entire discussion feels like it's somehow turning into Ayesha's fault, when she isn't responsible for any of this."
BINABASA MO ANG
When Fighters Fall In Love
RomanceHaunted by events from years ago, Ayesha Rakki is determined to return to the Philippines and seek revenge. To do that, she must first become a doctor-using her profession as a way to track down the people she's been searching for. Along the way, sh...
