Zayden Sebastian's POV
I just finished my duty for today. 3 operations? I need to rest. After the dinner last night, I came back here for an emergency operation.
"Hello po, Doc Zayden." Nakangiting bati ni Cassie na ikinangiti ko na rin.
"Hi. Bakit hindi ka pa nagpapahinga?" 12am na at nandito pa siya sa hallway.
Wala na nga akong nakikitang bata na naglalaro because they are probably sleeping.
"May kukunin lang po ako sa play room. Oo nga po pala, si Doc Rakki po?"
"Umuwi na siya kanina pa. Why? Do you need something? May masakit ba sayo?" Nag-aalalang tanong ko.
"Nako, hindi po Doc. Ayos lang po ako. Hinahanap ko lang po talaga si Doc Rakki."
"Are you sure?"
"Opo."
"Alright. Go back to your room. I'll ask the nurse to get your things." Bahagya pa siyang yumakap sa akin bago kumaway paalis.
Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapangiti habang nakatingin sa kaniya dahil siya ang dahilan kung bakit ko narinig ang sinabi ni Ayesha kanina.
Ang totoo niyan, hindi ko naman sinasadya na marinig yun. That time, I also need to visit my patient in that room. I didn't know that she's there, also checking her patients. Akala ko ay nasa operation siya so I accidentally heard what they are talking. Hindi ko naman inakala na ako ang pinag-uusapan nila at mas lalong hindi ko inakala na gwapo pala ako sa paningin mo, Doctora. Pfft.
I know it probably looks like I'm just messing around every time I tease her, like I'm trying to get under her skin for no reason. But the truth is, that's kind of the only way I can keep a conversation going with her without overthinking everything I say. If I tried to be serious all the time, I'd probably just end up saying nothing at all.
"Anong nginingiti-ngiti mo, Farrell? You're creeping me out." Agad akong napatingin kay Knight na nakasandal sa pader habang nakangiwing pinapanood ako.
Tss.
"Let's just go, Adisson." Yaya ko sa kaniya at nauna pang pumunta sa opisina ko para magpalit ng damit.
Sasakyan ko pa ang gagamitin namin dahil hindi naman nagdadala 'to ng sasakyan niya. Kaya nga sumabay siya kay Ayesha last time.
"Sigurado ka bang sasama ka? May dinner ang mga doctor dahil sa pag-alis ni Doc Ray. Hahanapin ka doon—I'm sure." Natural na sabi ni Knight habang nagta-type ng kung ano sa cellphone niya.
Ang dami niya talagang nasasabi kahit may ginagawa siyang iba.
Kaya siya pinupuntahan ng Le Couronne d'Ombre. Pfft. Natatawa pa rin ako kapag naalala ko na halos hindi siya makatulog sa takot.
"I talked to Doc Ray—and he said it's okay. Alam naman nila na hindi ako mahilig sa mga gatherings."
"Then how about my cousin? Malamang sa malamang hahanapin ka nun." Napabuntong hininga nalang ako at nagdrive na papunta sa address nung resto bar.
Hindi naman sila mahirap hanapin dahil halos sila sila nalang ang tao doon. Halatang hindi pa nila napansin ang presensiya namin kaya lihim muna akong napangiti bago umupo sa tabi ni Ayesha na bahagya pang nagulat nang makita ako.
BINABASA MO ANG
When Fighters Fall In Love
RomansaHaunted by events from years ago, Ayesha Rakki is determined to return to the Philippines and seek revenge. To do that, she must first become a doctor-using her profession as a way to track down the people she's been searching for. Along the way, sh...
