Chapter 26

2.5K 73 0
                                    

This is the updated version of Chapter 26. However, I'll update it once more if I encounter any problem or issues. Thank you for your understanding!


Updated: January 11, 2022


Ayesha Rakki's POV


Kagaya ng sinabi sa papel ay pumunta ako sa shop kung saan ako bumili ng libro na pinang-regalo ko kay Lola. Pumasok ako sa loob nun at medyo nanibago pa dahil parang mas lumaki siya. Unlike dati na maliit lang at limitado lang ang libro. Ngayon ay may second floor na siya. Ang dami na talagang nagbago sa mga nakalipas na panahon.


Tiningnan ko ang oras at napamura nang 20 minutes na akong late. 20 minutes dahil natraffic pa ako. Lumapit ako sa babaeng nagtitinda para magtanong. Gusto kong itanong sa taong 'to kung may nakita ba siya na pumunta dito pero naisip ko na maling ideya 'yun dahil maraming pumupunta sa lugar na 'to kaya tumalikod nalang ako. Hindi ko man lang alam kasi kung lalaki o babae ba ang kikitain ko ngayon. Wala man lang siyang ibinigay na deskripsiyon ng sarili niya. Para akong nangangapa sa dilim. Ang hirap.


Naglakad-lakad nalang ako sa shop at nang mapunta ako sa lugar kung saan ko nakita 'yung libro ni Lola ay may nakita akong note na nakasingit doon. Tiningnan ko muna kung may tao ba akong kasama pero wala naman kaya unti-unti kong kinuha 'yun at binasa.


Sasabihan nalang kita kapag magkikita na ulit tayo. Hindi ako pwedeng magpakita ngayon dahil nakabantay ang mga taong 'yun. Pasensya na.
- unknown


Naikuyom ko ang kamao ko at hindi sinasadyang napatingin sa harapan kung saan ko natanaw ang dalawang lalaki na mukhang nagbabantay dito sa shop. Nakita ko pa ang bahagyang pagtingin sa akin ng isa doon pero agad ding umiwas. Ah, putcha. Dali-dali kong isinilid sa bag ko ang note at kinuha ang kunai ko. Inayos ko na rin ang buhok ko at bahagyang isiningit ang kunai sa buhok ko. Natural pa akong ngumiti doon sa nagtitinda bago ako lumabas.


Napangisi ako nang magsimulang umalis 'yung dalawang lalaki kaya agad akong lumapit sa kanila. Talagang pupunta pa sila malapit sa bahay namin kaya tumakbo na agad ako. 'Yung papunta kasi sa bahay namin ni lola ay wala masyadong tao. Kaya nga wala man lang nakaalam sa nangyari kay Lola, eh. O kung meron man, malamang sa malamang natakot 'yun dahil sa mga taong walang awang pinatay ang lola ko.


Kinuha ko ang baril ko sa bag ko at binaril ang cctv na hindi pa ako nakukuhaan man lang. Napansin ko lang 'yun nung pumunta ako dito nung nakaraan.


"Sinusubukan niyo talaga ako." Agad akong nagtago nang magpaputok ng baril 'yung lalaki. Talagang muntik na ako doon. Nakakainis! Nang matyempuhan ko pa sila ay agad ko silang binaril na tinamaan agad sa kamay dahilan para tumalsik ang baril niya at mamilipit pa siya sa sakit. Hindi ko gustong patayin sila. May gusto lang talaga akong malaman.


Tumakbo na ako papalapit doon sa isa at nang akma niyang iangat ang baril niya ay sinipa ko 'yun at tinutukan ang noo niya ng baril na dala ko pero bigla niyang kinuha ang kamay ko at hinagis ang baril na hawak ko. Naunahan ako. Ano bang nangyayari sayo, Rakki?!


Magaling siya dahil alam niya lahat ng kilos ko. Lahat ng gagawin ko ay nahaharangan niya kaya mas lalo lang umiinit ang ulo ko. Kahit nahihirapan ay kinuha ko ang kunai na nakasabit sa buhok ko at tinutukan siya nun na agad niyang ikinatigil. Nang mapansin ang gulat niya ay hindi na ako nagsayang ng oras at agad na tumalon papunta sa kaniya at sinipa agad siya sa mukha na ikinabagsak niya.


"Sinong nag-utos sa inyo?" Madiin kong tanong sa kaniya habang hawak hawak ang baril na nadampot ko kanina. "Sumagot ka! Ipuputok ko sayo 'to!"


When Fighters Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon