Chapter 7

3.2K 101 3
                                    

This is the updated version of Chapter 7. However, I'll update it once more if I encounter any problem or issues. Thank you for your understanding!


Updated: January 05, 2022


Ayesha Rakki's POV


Napahikab ako nang matapos na naman ang isang araw. Akalain mong pangalawang linggo ko na pala dito. Mabilis kasi na lumipas ang araw dahil hindi din ako umuwi ng apartment. Sunod-sunod ang naging operation ko. Kaya nung nakaraang linggo, kahit sunday ay hindi ako umuwi. Kadalasan pa ay madaling araw ang operation kaya hindi kumpleto ang tulog ko. Sanay man ako sa ganon pero nahihirapan pa rin ako. Tinawagan ko na rin si Tristan na sunduin ako dahil linggo na ngayon at 4am na. Ito ang unang uwi ko. Kakalabas ko lang ng operating room kaya dumiretso na ako sa opisina ko para magpalit ng damit para makauwi na ako.


Hinilot ko pa ang sintido ko bago dinampot ang chocolate at agad isinubo 'yun. Wala pa akong dinner kaya baka sa hotel nalang ako kumain. Lumabas na rin ako ng opisina ko at lumapit sa front desk.


"Doc Rakki, uuwi ka na?" Tanong ni Shane sakin na ikinatango ko.


"Oo, kayo?"


"Sa Apartment po kami. Nasa probinsya pamilya ko, eh."


"Ganon ba?" Ang bata niya pa para makipagsapalaran dito sa manila ng mag-isa.


"Opo." Natahimik nalang ako at binasa ang message ni Faudia sakin. Update lang naman 'yun tungkol sa organization namin. Hindi ko kayang tumanggap ng panibagong problema ngayon dahil nagugutom talaga ako. "Uhm, Doc," Biglang tawag niya sakin kaya napalingon ako sa kaniya. "May gusto po sana kasi akong tanungin sa inyo."


"Ano 'yun?" Kunot-noo kong tanong sa kaniya. Ibinaba ko na rin ang phone ko para mabigyan siya ng atensyon.


"Bakit po kayo umalis sa France? Sobrang sikat niyo po kasi doon. Nagtataka lang po ako kung bakit kayo nandito sa Stonefield."


"Bakit? Hindi ba sobrang ganda ng stonefield?"


"Uhm, hindi po 'yun ang ibig kong sabihin." Nahihiya niyang sabi na ikinangiti ko.


"Alam ko. Gusto mo ba malaman kung bakit ako umalis doon?" Diretsong tanong ko na ikinatahimik niya. Mukhang naramdaman niya na nagbago ang emosyon ko. Wala namang kaso sakin na sabihin ang totoo. "Dahil nandito 'yung mga taong naging dahilan kung bakit ako napunta sa Paris."


"P-po?" Naguguluhan niyang tanong.


"Sa ngayon hindi mo pa maiintindihan pero malalaman mo rin naman 'yun. Anyways, nandiyan na ang sundo ko. Mauna na ako."


"Hindi po kayo dadaan sa apartment?" Takang tanong niya nang paalis na sana ako dahil nagmessage na sakin si Tristan na nasa labas na daw siya.


"Hindi na. Ingat ka sa pag-uwi." Sabi ko at naglakad na palabas. Nung unang linggo ko dito nalaman na lahat pala kaming pediatric doctors and nurses ay sama-sama sa isang building kaya hindi ako makatakas sa kadaldalan ni Dale. Sigurado akong maglalasing ang mga nurse ngayon. Gustuhin ko mang sumama pero mas kailangan ko ng tulog at kain ngayon.


"Grabe Rakki, hindi ka ba nahihiya? Ang gwapo-gwapo ko tapos ginagawa mo kong driver. Ang aga ko pa gumising. Tingnan mo naman ang suot ko. Nakapajama pa ako." Reklamo agad ni Tristan nang makasakay ako. 4am palang kasi kaya himala talaga na gumising siya. Hindi ko naman inakala na susunduin niya talaga ako. Inasahan ko na ngang magtataxi na ako pero dumating siya bigla.


When Fighters Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon