Chapter 58

3K 85 9
                                        

This is the updated version of Chapter 58. However, I'll update it once more if I encounter any problem or issues. Thank you for your understanding!


Updated: January 25, 2022


Ayesha Rakki's POV


Napatingin ako sa orasan ko at pilit na napangiti nang matapos na ang sampung minuto. Mukhang alam na nila. Kailangan kong gawin 'yun para hindi na sila mapahamak pa. Hindi ako papayag na may masaktan na naman ng dahil sa akin, may panibagong buhay na naman ang mawawala ng dahil sa akin. Ayoko na ng ganon.


Nag-angat ako ng tingin sa lugar na sinabi ni Faudia. Hindi ko inaasahan na isang bahay ang matatagpuan ko. Kadalasan kasi ay sa mga bodega o kaya mga weird na lugar kaya bakit dito?


Iisipin ko na sanang mali ang napuntahan ko pero napatingin ako sa mga lalaking may dalang baril habang paikot-ikot sa kabuuan ng bahay. Bumaba na ako ng motor at naglakad habang nakatingin sa akin ang ilang mga tauhan ni Uncle Greg. Mukhang inaasahan na nila ako. Inaasahan na niyang ito ang gagawin ko.


Binuksan ng isa ang pintuan bago ako tuluyang makapasok. Bahagya pa siyang napaiwas ng tingin sa akin na ikinangisi ko. Kilala niya ako. Alam kong kilala niya ako.


Pagpasok ko sa loob ay bumungad sa akin si Uncle Greg na nakangisi habang may hawak na wine. Nakuha niya pang ngumisi sa kabila ng lahat. Demonyo talaga ang isang 'to.


"Where are they?" Diretsong tanong ko na ikinangisi niya lalo. Sinenyasan niya pa akong umupo pero hindi ko sinunod 'yun at tumayo nalang. Ayokong mapalapit sa taong 'yan. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at bigla nalang siyang paputukan ng baril sa ulo. Tss. "Uulitin ko, nasaan sila?" Nauubusan na ako ng pasensya sa taong nasa harapan ko. Hindi nalang sagutin 'yung tanong ko.


"Kapkapan niyo siya. Wala kayong ititira na baril at kunai." Utos ng isang lalaki at akmang lalapit sa akin nang tutukan ko siya ng baril, diretso sa ulo siya.


"Hindi kayo lalapit sa akin." Matigas kong sabi. At bakit nila gagawin sa akin 'yun?


"Ano, Rakki? Hindi mo pa rin ba ako susundin?" Tanong ni Uncle Greg at tumayo kaya napunta sa kaniya ang atensyon ko. "Sa totoo lang, iniisip ko nga kung bakit pa kita pinapunta dito kung pwede ko naman silang patayin nalang agad." Sabi nito at sinenyasan ang mga kasama na kunin ang mga baril ko kaya wala na akong nagawa. Napabuntong-hininga nalang ako habang pinapanood silang kunin lahat ng gamit ko.


"Ano bang kasalanan ko sayo? Sa pagkakaalam ko naman ay hindi ako ang may kasalanan sayo. Ni wala nga akong ginawang masama sayo." Galit na sabi ko dahil tama naman ako. "Ibang klase ang utak mo kung sasabihin mo sa aking inggit 'yang nararamdaman mo. Kasi nakakabobo kang intindihin." Gusto ko nalang siyang patayin kahit mamatay pa ako dito sa dami ng bilang nila.


Napangiwi ako nang hawakan niya ng mahigpit ang panga ko at pinatingin ng diretso sa kaniya. Nakita ko pa ang paggalaw ng panga niya dahil sa galit. Mas nagagalit ako Uncle Greg. Wala pa sa gitna ng galit mo ang galit ko....


"Putcha kayo! Buong pamilya mo! Lahat kayo! Ginago niyo ako!"


"At anong kasalanan ko doon?" Diretsong tanong ko sa kaniya at tinanggal ang pagkakahawak niya sa panga ko. "Mas doble 'yung sakit na nararamdaman ko! Tapos paulit-ulit mo pa akong niloko at pinaglaruan ang buhay ko. Dapat nga ako ang magalit sayo kasi ako 'yung mas pinapahirapan ng makitid na utak mo!"


Nag-iinit na ang gilid ng mata ko. I need to stop my self from crying! Damn! Hindi ako pwedeng magpakita ng kahinaan ko sa mga oras na 'to dahil wala akong kahit na ano.


When Fighters Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon