Chapter 3

3.7K 115 1
                                    

This is the updated version of Chapter 3. However, I'll update it once more if I encounter any problem or issues. Thank you for your understanding!


Updated: January 04, 2022


Ayesha Rakki's POV


Hindi na ako nag-abala pang mag-agahan dahil wala namang magagalit sakin doon. Maaga daw umalis si Uncle Sean para mag-golf kasama ang ibang directors. Si Tristan ay hanggang ngayon hindi pa rin umuuwi. Nagmessage lang ako sa kaniya kagabi pero hanggang ngayon ay hindi niya ako nirereplyan.


I drove the car as fast as I can dahil anong oras na rin ngayon. 12:00 na at 14:00 ang meeting na sinasabi ni Trisha. It's been 2 days nung huli kong bisita doon. Masiyado akong nawili manatili sa area namin dahil nga sa birthday ni Lola. Pero after nun, kailangan ko na naman makipagsapalaran sa mga tao na nasa paligid ko.


Binati ako ng mga taong nakakasalubong ko nang tuluyang makapasok sa company na itinayo ni Uncle Sean. Agad naglapitan sa akin ang mga body guards at pumalibot sa akin. Isama mo pa ang ilang secretary ko na ready na magreport sakin. Mabilis na nawalan ng tao ang elevator sa harapan ko kaya pumasok na ako doon. Halos hindi rin makatingin ng diretso sakin ang mga tao kahit dalawang araw nila akong hindi nakita.


"Good Afternoon po, Miss Rakki. Hindi ko na kayo nakasalubong because I answered a phone call from the chairman." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Tumawag sa kaniya si Uncle Sean? Para saan? "Here, Miss." Ibinigay niya sakin ang isang folder na nagpakunot ng noo ko.


"What is this?" Isang ticket papuntang Manila ang bumungad sa akin. Bukod doon, nasa folder din na 'to ang ilang information kagaya ng hotel name, plate number and a bank account. What the hell is this?


"Chairman asked me to tell you that you need to return to the Philippines for a work. He didn't tell me the specific work, Miss. I'm really sorry." Natahimik ako ng ilang segundo sa sinabi niya at napaisip. Bagong-bago sakin 'to. Anong meron at bigla niya akong pinapapunta sa Pilipinas? And... bakit hindi niya nalang sinabi sakin kagabi?


"Magpatawag ka ng meeting. In five minutes, I want everyone in there. Do you understand?"


"Yes, Miss Rakki." Pormal na sagot niya at bahagya pang yumuko bago lumabas ng office ko. Napahilot ako sa sintido ko at hinarap ang napakalaking glass sa harapan ko kung saan kitang-kita ang napakaraming building. Nandito ako sa pinakataas na floor ng company kaya kitang-kita ko lahat. But this scenery didn't help me at all to think properly. Dinampot ko ang cellphone ko and dialed Tristan's number. Nakailang ring pa 'yun bago tuluyang sumagot.


"Yeah? What's wrong?" Mukha ngang kakagising niya lang dahil sa boses niya. I know very well his voice. Kung lasing, bagong gising, masaya, malungkot as in, lahat.


"We're going to the Philippines. Pack your things."


"Wait, what?! Are you kidding me?" Hindi makapaniwalang tanong nito. "Alam ba 'to ni Uncle? Don't just decide on your own for pete's sake, Rakki."


"In 30 minutes, I want you to meet me at the airport." Yun lang ang sinabi ko at ibinaba na ang linya. Kinuha ko ang susi sa drawer ko at naglakad na papunta sa meeting room. Kating-kati na akong umalis. Gusto ko nang hanapin ang taong pumatay sa Lola ko so I need to grab this opportunity dahil bihira lang pumayag si Uncle Sean na pumunta ako sa Pilipinas. Hindi ko man alam ang dahilan pero masaya akong makakabalik na doon.


When Fighters Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon