This is the updated version of Chapter 53. However, I'll update it once more if I encounter any problem or issues. Thank you for your understanding!
Updated: January 22, 2022
Tristan Keith's POV
Tss. Totoong nagtatampo na talaga ako kay Rakki! Totoong-totoo na 'to dahil nalaman ko lang naman na nasa Paris siya ngayon! Gusto ko pa naman umuwi doon pero ayun siya at nandoon na! Sabi ko isama niya ako, eh! Iniwan niya na naman ako! Scam ka, Rakki! Dapat ako nalang ang isinama niya! Hindi naman ako magsusumbong kay Uncle, eh. Waaaaah! Gusto ko talaga pumunta doon.
"Sabayan mo na ako kumain." Walang ganang sabi ni Uncle kaya tumabi na ako sa kaniya sa kusina. Kahit masama ang loob ko kay Rakki ay hindi ko matanggihan si Uncle dahil ang tamlay niya talaga ngayon. Alam ko naman na nag-aalala siya kay Tita Neza pero masiyado naman siyang halata. Madalas naman ay itinatago niya 'yung mga ganitong nararamdaman niya. Ewan ko kung bakit ipinapakita na niya sa akin 'yun ngayon.
"Okay ka lang ba Uncle?" Nag-aalangan na tanong ko na ikinaangat ng tingin niya. Dapat ko bang tanungin 'yun? Kasi kung titingnan mo naman siya halatang hindi siya okay. May parte tuloy sa akin na nalulungkot din dahil nagkakaganyan si Uncle. Ano ba naman kasi 'to si Uncle! Dinamay pa ako sa lungkot niya.
"Anong gagawin mo kapag sinabi ko sayong buhay pa ang mga magulang mo?" Biglang tanong niya na ikinakunot ng noo ko. Nakakagulat naman talaga 'yun dahil wala naman akong alam masiyado sa totoong pamilya ko. Ang sabi lang sa akin ni Uncle ay dating kabilang ang mga magulang ko sa organisasyon. Pero nang mawala ito ay ibinigay ako sa ampunan kung saan kinuha naman ako ni Uncle. Medyo magulo dahil hindi ko talaga alam kung anong nangyari. Hindi ko na rin inintindi. Hindi naman na kasi ako interesado. Masaya na ako kung nasaan ako ngayon. Kaya bakit ko pa hahanapin ang mga magulang ko? Nagsasayang lang ako ng oras. Tss.
"Seryoso ka ba, Uncle? Alam nating wala na sila. Bakit ka ba nagtatanong ng ganiyan? Pinagti-tripan mo ko, noh?" Pagbibiro ko na ikinatahimik niya. Gusto kong manibago sa ikinikilos niya pero hinayaan ko nalang. Siguro kahit naman ako, kung ako ang nasa sitwasyon ni Uncle ay ganiyan ang mararamdaman ko. Alam ko namang hanggang ngayon ay may nararamdaman pa rin siya kay Tita Neza pero na kay Uncle Greg pa rin siya hanggang ngayon. At 'yun ang masakit doon. Hay nako. Nalulungkot din ako sa kaisipan na nandoon si Tita Neza. Hindi ko alam kung bakit.
"Kinuha ni Ayesha ang folder na naglalaman ng mga impormasyon mo." Diretsong sabi niya na ikinalingon ko. Napatigil pa ako sa pag-inom ng tubig.
"Bakit naman?" Tanong ko na ikinakibit balikat niya at agad na umiwas ng tingin. May nangyari na naman bang masama? Tss. Ano na naman kayang tumatakbo sa utak ni Ayesha at ako naman ngayon ang hinahanapan ng impormasyon? Uh, wag niya sabihin sa akin na ibebenta niya ako? Nako, subukan niya lang talaga.
Nang matapos kaming kumain ay naisipan kong dumaan sa hospital para puntahan si Zelle at dumaan na rin sa office ni Rakki. Sumasama talaga ang loob ko sa tuwing naiisip ko na nasa Paris ngayon si Rakki kasama si Faudia. Kung isinama niya ako doon, edi masaya kaming tatlo? Tss.
Habang naglalakad ako papunta sa office ni Rakki ay nakasalubong ko pa si Knight na bahagya pang nakangisi sa akin. Baliw na 'to. Sure na ako doon.
"Kamusta, Andrada?" Nakangisi niyang tanong sa akin.
"Ito nananatiling gwapo. Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko pabalik. Bahagyang napapatingin sa amin ang mga tao syempre alam ko na kung ano ang dahilan. Aba sa gwapo kong 'to? Malamang sa malamang pagtitinginan nila ako. Hays. Sige na nga! Pinapayagan ko na sila kumuha ng picture! Nakakainis. Kahit saan ako pumunta may kumukuha ng picture ko.
BINABASA MO ANG
When Fighters Fall In Love
ActionBecause of what happened years ago, Ayesha Rakki wanted to return to the Philippines for a revenge. But she must be a doctor in order to do so while searching for those people. And while doing so, she will meet a man named Zayden Sebastian Farrell...