Chapter 42

2.2K 82 1
                                    

This is the updated version of Chapter 42. However, I'll update it once more if I encounter any problem or issues. Thank you for your understanding!


Updated: January 19, 2022


Ayesha Rakki's POV


Napatigil ako sa biglaang tanong ni Tristan. Gusto kong magalit sa sarili ko sa lahat ng narinig ko mula kay Uncle Sean. Sa buong byahe namin pauwi dito ay wala akong ibang ginawa kundi ang sisihin si Uncle Sean sa lahat dahil hindi niya sinasabi sa akin ang katotohanan. Talagang hinintay niya pa na ganito. Pero ito ako ngayon at naintindihan lahat ng sinabi niya. Lahat 'yun ay ginawa niya lang para sa akin.


"Masaya naman akong nakilala mo na ang pamilya mo. Pero.... iiwan mo na ba kami ni Uncle?" Muling tanong ni Tristan. Napuno ng luha ang mga mata ko at hindi na sinagot pa ang tanong ni Tristan dahil lumabas na ako ng tuluyan sa hotel na 'yun. Agad akong sumakay sa elevator nang bumukas 'yun habang nagbabakasakaling magiging okay pa ang lahat.


Hindi ko alam kung saan ako pupunta sa mga oras na 'to kaya napagpasyahan ko na pumunta sa hideout. Dito nalang ako matutulog. Dito nalang muna ako.


Agad akong bumaba ng sasakyan ko at napatigil sa akmang pagpasok nang makita ang hindi inaasahang bisita sa lugar na 'to. Halatang hinihintay niya ako dito. Paano niya nalaman ang lugar na 'to? Sinabi ba ni Uncle?


"Anong ginagawa mo dito?" Diretsong tanong ko sa kaniya. Hindi bastos ang pagkakatanong ko kaya hindi dapat siya mabastusan doon. Alam ko pa naman kung paano rumespeto ng tao.


"Nakausap ko si Sean at sinabi niyang dito kita matatagpuan. Pwede ba kitang makausap?" Ayun nga. Si Uncle Sean ang nagsabi sa kaniya. Napabuntong-hininga naman ako at sinenyasan siyang pumasok. Hindi naman kasi ako galit sa kanila. Nagulat lang talaga ako na buhay pa pala ang mga magulang ko. Ang akala ko kasi ay wala na talaga akong pamilya.


"Anong hong sasabihin niyo?" Tanong ko at tiningnan siya ng diretso sa mga mata. Nginitian naman niya ako at bahagya pang pinagmasdan ang mukha ko.


"Hindi ko akalain na makikita kita ng ganito kaganda ang buhay. Maayos kang pinalaki ni Sean. Ang saya ko."


"Kailan niyo pa nalaman na ako ang anak niyo?" Tanong ko na bahagya niyang ikinabigla pero agad din siyang nagsalita. Napaiwas pa siya ng tingin sa akin.


"10 years ago." Sabi niya na ikinatigil ko at napatitig pa sa kaniya. Hindi ko inakala na sobrang tagal niya na palang alam ang tungkol doon pero hindi niya man lang ako kinausap. Hindi niya man lang ako pinuntahan?


"Paano?"


"Nalaman ko kay Lola Tina. Nung nabanggit niya si Lola Belinda ay nagtaka na ako kung 'yun ba ang nanay ni Sean kaya agad kong kinausap si Sean para kumpirmahin ang nalaman ko. Kung alam mo lang kung gaano ko kagusto na puntahan ka, anak. Gusto kong puntahan ka para mayakap ka man lang at makamusta pero pinigilan ako ni Sean dahil sa mga panahon na 'yun ay galit ka sa lahat. Galit na galit ka sa lahat." Napapabuntong-hininga niyang sabi. Nanatili akong tahimik dahil masyado akong nagugulat sa mga naririnig ko. Hindi ko akalain. Nagagalit ako pero sa tuwing napapakinggan ko ang dahilan kung bakit nila nagawa 'yun, nawawala ang galit ko. "Nakiusap sa akin si Sean na hintayin ang pagbabalik mo sa Pilipinas at doon ko sabihin sayo ang totoo pero..... hindi ko nagawa nang malaman ko na may gustong pumatay sayo ng dahil sa akin. Ayokong muli kang mawala ng dahil na naman sa akin kaya nagtiis akong hindi ka kausapin. Ang hirap, anak. Gustong-guto kitang puntahan."


When Fighters Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon